13

2.2K 123 30
                                    

Chapter Thirteen


Jema's

"Yung binilin ko sayo Deanna," sabi ni Papa habang nagmamaneho na ito papuntang terminal ng bus.

Luluwas na kami ni Deanna ngayon pamaynila.

Madaling araw palang at madilim pa ang kapaligiran

Medyo nanunuot din ang lamig sa aking kalamnan kahit pa balot na ko ng jacket.

"Opo boss Jesse, hindi ko po nakakalimutan." Ano naman kayang sinabi ni Papa sa babaeng 'to?

Tinignan ko sya nakacheckerd long sleeve polo ito at nakabonet na kupas na ang kulay, hindi ko na nga masabi kung gray or black ang kulay ng bonet dahil kupas na nga.

Literal na pormahang galing probinsya.

Buti nalang talaga cute tong si Deanna, eh. Kahit ang jologs, hahaha.

"Good!" Tipid na sagot ni Papa kay Deanna.

"Ahm, pa. Ano yun?" Usisa ko sakanya.

Pero imbis na sumagot tinignan nya lang ako ng masama.... Inismiran ko nalang sya.

"Mag-iingat kayo dun, lalo kana Deanna. Wag kang basta basta lalabas ng bahay na di mo kasama itong anak ko. Huwag ka ring basta basta nagtitiwala sa ibang tao, lalo na sa mga hindi mo kakilala."

Bilin ni Papa, pagkababa palang namin ng kotse nya.

"Opo sir Jesse, marami pong salamat!" Sabi ni Deanna bago ito yumuko.

"Ikaw naman Jessica, tigil-tigilan mo mga kalokohan mo. Matanda kana, tigilan mo na 'yang pageeksperimento mo."

Napatingin naman agad sakin si Deanna.

Letse 'tong si Papa, mamaya maniwala 'tong babae 'to na pinagtitripan ko lang sya.

Kahit hindi sabihin ni Papa, alam kong yun ang gusto nyang ipahiwatig.

"Pa nama......., "hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil pinutol nya ito.

"Sige na. Baka umalis na yung bus, maiwan kayo. " Umismid nalang ako, ilang beses ko ng naismiran ang magaling kong ama.

"Opo, babye po. Ingat kayo dito, si Mama, alagaan nyo ah?" Sabi ko At kumiss na sakanya.

"Wag kang mag-alala, papasunurin ko rin ang Mama mo dun." Kainis talaga eh.

"Tutuloy na po kami sir Jesse," tumango lang si Papa kay Deanna.

Kinuha nya rin ang mga gamit ko at naunang maglakad sakin.

Pakiramdam ko iniiwasan nya ko pagkatapos nung gabing hinalikan ko sya.

Letse naman kasi Jemalyn! Padalosdalos eh!

Bakit hinalikan din naman nya ko sa kubo ah? Tapos wala pa kaming damit.

Ang arte nya! Kainis.

"Iza, wait lang. Hintayin mo ko," bahagya syang lumingon sakin.

Umangkla ako sa braso nya na nagpapitlag dito.

"Baka makita tayo ni sir Jesse," sabay lingon sa kinaroroonan ni Papa na matalim naman ang tingin samin.

Mabilis namang hinablot ni Deanna ang braso nya...... at iniwan ako.

Mukhang alam ko na ang usapan ng dalawang 'to........, ngumisi ako. Bahala ka dyan Pa, hahaha.

Bumili muna ako ng ticket habang naghihintay si Deanna sa waiting shed ng terminal.

"Gusto mo munang kumain?" Tanong ko sakanya pagkabili ko ng ticket.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon