Chapter Twenty-Three
Deanna's
Bumaba kami ni Chiara sa sasakyang tinatawag nyang Jeep.
Meron din naman nito sa probinsya, lalo na sa bayan at bihira lang makakita sa baryo.
Meron din sila mam Jema ng ganito, maliit nga lang yung sakanila.
Yung ginamit namin papuntang bayan nung bumili sya ng mga gagamitin nya sa pagtuturo..., owner Jeep, tama. Owner Jeep ang tawag dun.
"Hoy, Deanna. Sure kang sa bahay ka muna ah? Maliit lang bahay namin baka hindi ka sanay."
"Kubo nga lang tinutulogan ko sa probinsya, eh."
"Eh, presko naman yun. Samin tagpi tagping yero.., tiyak tatagatak ang pawis mo roon."
"Ano ka ba, ayos lang yun. Makikitulog na nga lang ako, eh. Ako pa ba magrereklamo?"
"Okay, sabi mo eh. Pero Deanna, hindi mo ba sasabihin sa jowa mo na umalis ka na sa puder nung titser na anak ng amo mo? Baka mag alala yun sayo."
"Wala naman na si Kat," ngumiti ako ng mapait.
"Nasaan? Hinahanap mo rin? Wala rin sa probinsya nyo?"
Tumuro ako sa langit, "nandun. Siguro tinatanaw nya ko ngayon."
"OMG! Ibig mong sabihin tegi na ang jowa mo?"
"Tegi?" Kunot noong tanong ko.
"Ibig kong sabihin patay na pala ang girlfriend mo. Ibig sabihin nun ex-jowa mo na pala sya?"
"Ex?" Ang dami namang salita na hindi ko maintindihan.
"Ex..., dating jowa... dating syota, dating nobya, dating kasintahan. Ex-girlfriend. Sa lalaki, ex-boyfriend naman."
Napahinto ako sa paglalakad namin ni Chiara, "ibig sabihin, dating nobyo na pala ni Jema yung Cy na yun?"
"Bakit ano bang pakilala nya sayo?"
"Ang sabi, eh. Ex-boyfriend," kamot ulong sabi ko.
"Hahaha, ikaw naman pala 'tong assuming eh."
Noo ko naman ang kinamot ko.
"Hayaan muna. Mahalaga pa ba kung ex nya na yun o nobyo pa?... sabi mo nga may anak sila diba?" Sabagay....
Hinila na ako ni Chiara papasok sa isang makipot na daanan. Pinagigitnaan ito ng mga bahay na sa magkabilang gilid.
"Pasensya ka na, sobrang sikip lang talaga kapag sa iskinita nakatira. Eskwater ang tawag samin!"
Nagpalinga linga ako sa mga dinadaanan namin puro tagpi tagping yero nga ang mga bahay dito.
Yung iba naman tila kahoy na malapad ang nagsisilbing dingding.
Bihira lang ang mga konkreto ang bahay........
"Hayop kang lalaki ka lumayas ka dito!!! Gago kang tarantado ka!"
May lalaking tumakbo palabas sa silong nila, hinabol naman ito ng matabang babae.... at muntik pa kaming matamaan ng binato nitong kaldero.
"Hahaha, welcome Deanna." Asar na saad ni Chiara
"Wag na wag ka ng babalik ditong batugan ka ipapatulfo talaga kita tarantadong 'to." Sabi ulit nung babae
"Naku, masanay ka na sa bunganga ng mga tao dito sa lugar namin. Masanay ka narin makakita ng ganyan..., "turo nya sa umpukan ng mga kalalalkihan. "Tambay na lasenggero."

BINABASA MO ANG
Saranggola
Фанфик"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!