32

2.5K 132 17
                                    

Chapter Thirty-Two

Deanna's

"Tangi!" Humahangos si Jema pababa ng hagdanan.

Niyakap nya ko, "akala ko panaginip na naman," tumatangis nitong saad.

"Akala ko iniwan mo ko ulit, eh. Please! Wag mo na kong iiwan ah?"

Mabagal kong kinalas ang pagkakayakap nya sakin.

Hinaplos ko ang mga pisngi nito upang tuyuin ang luha nya.

"Uuwi na ako," sabi ko. Matamlay akong ngumiti.

Lalo naman syang umiyak, "Please, dito ka nalang muna? Kung galit ka sorry na, please? Patawarin mo na ko ah?"

"Wala na akong obligasyon dito, Jema. Wala na yung dahilan para manatili pa ko dito."

"Ako? Hindi ba ako pwedeng maging reason para magstay ka sakin?"

Huminga ako nang malalim bago yumuko.

"Please, Deanna? Please, tangi. Dito ka nalang, wag mo kong iwan."

"Jema," hirap na saad ko.

Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sakanya. "Okay. Buo na ba ang desisyon mo?" Matamlay akong tumango. "Kung 'yan talaga ang pasya mo, susuportahan kita. Pero pwede mo ba akong pagbigyan?"

Nginitian ko si Jema, "kung gusto mo pa akong manatili rito ng ilang mga araw pa upang makasama ka. Hindi mo na kailangan hilingin."

"Plano ko talagang makasama ka sa mga nalalabi kong araw, bago ako umuwi sa probinsya."

"Bukod pa dun. Pwede bang magtake ka muna ng exam? Para kahit papano may elementary diploma ka. Tapusin mo muna ang first level okay lang ba?"

"Subalit halos buwan na kong lumiban sa klase."

"Ayos lang yun. Ang importante lang naman, eh. Maipasa mo ang exam."

Kumamot ako sa batok ko, hindi ko rin alam ang isasagot ko.

"Please, Deans?"

Nginitian ko ulit sya, "kung yun ang gusto mo." bahagya din syang ngumiti pero kitang kita parin sa mata nito ang lungkot.

"Sandali, may kukunin lang ako sa taas."  Tumakbo si Jema pabalik sa kwarto nya.

Habang hinihintay ko syang bumalik hinanda ko na yung pinirito kong hotdog at itlog sa lamesa.

"Ito, oh. Binili ko 'yan sa unang sweldo ko," may inabot sya saking parang kahon. "Buksan mo!"

Binuksan ko ang kahong bigay ni Jema, nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman nun.

Telepono, katulad ng kay Jema. "Mas kailangan mo ngayon 'yan, kasi uuwi kana."

"Hindi ko na 'to kailangan Jema," pilit kong binabalik sakanya ang kahong may lamang telepono.

"Kunin mo na please? Dyan nalang kita makaka-usap, eh."

Hindi ko na naman alam ang isasagot ko, "Salamat." Tanging nasabi ko na lamang. "Ahm, maligo kana. Baka mahuli ka na sa iskwela."

Tumango si Jema bago magpalinga linga para bang may hinahanap."Si charlie?" Tanong nya. Nginuso ko sa ilalim ng sofa.

Natawa sya, "bakit mo tinali?" Nilapitan nya ang aso, "tapos sintas pa ng sapatos ginamit mo masasakal to, eh."

"Ang kulit kasi. Sunod ng sunod sakin, eh!"

"Kinikilala ka lang nung aso," kinarga ni Jema si Charlie. "Wawa naman ang baby ko."

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon