10

2.2K 113 3
                                    

Chapter Ten



Jema's


Wala na si Deanna sa tabi ko nang imulat ko ang aking mga mata.

Hindi pa siguro ako magigising kung hindi pa tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw na nagmumula sa maliliit na butas ng kubo.

Pinagmasdan ko ang sarili ko, nakabalot ng kumot ang hubad kong katawan.

Agad nag-init ang mukha ko, putcha. Naalala ko yung ginawa ni Deanna kagabi.

Hinalikan nya ko, niyakap ako ng walang saplot para lang maibsan ang panginginig ng katawan ko.

Totoo pala talagang nakakabawas ng lagnat ang human body heater?

Dati nababasa ko lang yun sa libro. Ngayon, napatunayan ko na sa pamamagitan ni Deanna. Napangiti ako.

Siguro ginagawa nya din yun sa namatay nyang girlfriend.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko sa isipin na yun.

Pero wala na sya. Past na sya.

Ako na ang present at future ni Deanna, charrrr hahaha.

Ang assuming talaga ni Jemalyn!

Teka, nasaan na ba yung babaeng yun?

Hinanap ko yung pinahiram nyang damit sakin at mabilis akong nagbihis bago lumabas ng kubo.

Bumangad agad sakin ang mga damit kong nakasampay sa labas, mukhang nilabhan ni Deanna.

Teka, pati underwear ko nilabhan nya? Nakakahiya!

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Deanna at natagpuan sya ng mga mata ko sa di kalayuan ng kubo at may kausap na lalaki.

Medyo maliit yung lalaki kumpara kay Deanna, maputi at sa itsura nito mukhang syang callboy.

Hindi ako judgemental ah? Pero ganyan talaga yung awra ng mga nagtatrabaho sa gay bar.

Mukha narin silang bakla sa sobrang puti at kapal ng foundation sa mukha nila.

Teka, hindi ba nagtataka si Deanna or hindi manlang nya tinatanong sa lalaking ito kung ano nangyari sa ate nya?

Kung pagbabasehan ko ang itsura ng Luigi na 'to, mukhang illegal recuitement nga ang nagaganap at malamang sa casa nga ang bagsak ng mga lalaki at babaeng kinukuha nila dito sa baryo.

Pwede rin naman maging tauhan ng mga sindikato ang mga lalaki para gawing bantay ng casa o kahit ano pang illegal na gawain.

Jusko ang dami ko ng naiisip pero isa lang naman ang gusto kong gawin ngayon.

Ang mailigtas at mailayo si Deanna sa kapahamakan.


Hinintay ko munang umalis yung lalaki palayo kay Deanna.

Mabilis kong hinabol yung lalaking nagngangalang Luigi.

"Wait, lang." Hingal na hingal na pigil ko sakanya.

"Ikaw. Tigilan mo ng pagkuha ng mga taga rito para lang mapariwala ang buhay nila."

"Excuse me miss? Pero hindi ko alam 'yang pinagsasabi mo?"

"Wag ka ng mag-kaila dyan, taga maynila ako at alam kong hindi janitor, crew or kasambahay ang dahilan ng pagkuha mo sa mga taong nakatira dito."

"Hindi ka pwedeng maging janitor or crew kung wala kang high school diploma."

Sumeryoso ang mukha ni Luigi at tumalim ang tingin nito sakin. Bigla akong kinabahan.

Pero agad ko ring kinalma ang sarili ko, kailangan kong maging matapang para kay Deanna.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon