43

2.8K 136 6
                                    

Chapter Fourty-Three


Jema's

Tatlong bulto ng tao ang naaninagan ko sa di kalayuan sa likod bahay namin.

Nagpapalipad sila ng saranggola.

Ngumiti ako at mabagal na lumakad papalapit kay Deanna, sa pamangkin nitong si Ava at ang kapatid nitong si Peter.

Sigurado akong kapatid nya ang batang lalaking 'to.

Dahil halos lahat ng sinabi ni Nanay Judin kagabi, ganun din ang mga sinabi ni Sir. Wong kay Deanna nung una nilang pagkikita.

Napahinga ako nang malalim.

Mapagbiro talaga ang tadhana, yung manyakis pa talaga na yun ang Tatay ni Deanna.

Yung lalaking gusto ako maging isa sa mga naging babae nya ang Ama ng babaeng iniibig ko.

Buti nalang talaga tumigil na sya simula nung magkunwari kaming magnobyo ni Cy.

Hindi na ulit ito nagparamdam ng kakaiba sakin....

"Teacher!" Si Ava ang unang nakapansin sa presensya ko.

Tumingin sakin si Deanna, nakacheckered na polo ito na tinanggalan ng manggas at maong pants na tinupi hanggang tuhod nya.

At syempre nakasumbrero hindi naman maaalis kay Deanna 'yan.

"Hi!" Ngumuti ako sakanila, "hindi ka ba nag ani? Nakasleeve-less ka kasi" baling ko kay Deanna.

"Hanggang tanghali lang kasi ako sa bukid ngayon," hapon na kasi at maghapon lang din akong natulog.

Siguro kasi pagod sa biyahe kahapon tapos imbis na magpahinga naglakwatsa pa ko di ba?

"Bakit?" Usisa kong tanong kay Deanna, tila nagdadalawang isip pa sya kung sasabihin nya.

"Si Mitch kasi," lumunok sya. "Hinatid ko sa bayan, masama ang pakiramdam."

Kaya pala sarado yung kubo? Akala ko naman umuwi lang ito ng maaga.

"Lumiban ka ng trabaho para lang sa babaeng yun?" Nakataas na kilay na saad ko.

"Eh, kasi. Wala namang ibang magmamalasakit sakanya dito kundi ako lang."

Siniringan ko sya bago lumakad palayo sakanila.

"Teka, mam Jema. Saan ka tutungo? Dapit hapon na. Tila uulan pa!"

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ava, Peter, mauna na kayong umuwi!" Rinig kong utos nya sa mga bata.

"Maam Jema, sandali lang." Lalo kong binilisan ang paglakad ko hanggang tumakbo na ko.

Nakakainis! May gusto ka lang sa babaeng yun kaya ganun ka nalang magmalasakit sakanya......

Napahinto ako nung hawakan nya ang braso ko.

"Wag kang tumakbo." Hingal na sabi ni Deanna, "baka madapa ka. Nakabistida ka pa naman," tumitig sya sakin. "Masusugatan ka."

"Ano bang paki alam mo?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Jema....,"

Napapikit ako bago muling nagsalita,  "maglalakad lakad lang ako. Ilang araw lang ako dito kaya dapat sulitin ko na ang sariwang hangin di ba?" Pilit akong ngumiti. Bipolar ka na Jema, "alam mo na, polusyon na naman ang malalanghap ko sa Maynila."

Binitawan ni Deanna ang kamay ko "aalis ka na agad?"

Tumingin sya sa taas bago muling tumingin sakin, "samahan na kita. ayos lang ba?"

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon