22

2.1K 118 12
                                    

Chaptet Twenty-Two

Jema's

"Babye po, Ma'am. See you tomorrow!" Paalam sakin ng mga studyante ko.

"Babye! Mag-iingat kayo ah?" Pahabol na bilin ko sakanila.

"Ma'am, ganda. Tulungan ko na po kayo?"

"Okay lang, Dexter. Mauna na kayo ah? May tatawagan pa kasi ako, eh." Sabi ko habang dinadial ang number ni Deanna.

"Aysus, Ma'am. Hindi nyo na po kailangan tawagan, nandyan na po si Sir Cy." Mga malisyosong bata, "paano ba 'yan Dexter.. back off na. Matagal ng may nanalo" at inakbayan ni Erik ang kaibigan nyang si Dexter.

Inis na kinabig naman ni Dexter ang kamay ni Erik, "Ewan ko sainyo." Sabi nya at lumakad palabas ng classroom.

Napangiti at napa-iling nalang ako. "Naku, inasar nyo na naman 'yang kaibigan nyo. Mag-ingat kayo sa pag-uwi ah?"

"Thank you po, Ma'am. Babye po!"

"Lakas talaga ng datingan ni Jessica Margarette Galanza," siniringan ko si Cy.

"Hahaha, tara na nga, Madam. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Wait lang, hindi ko macontact si Deanna, eh."

"Baka naman nasa labas na? Kumakain na naman ng fishball?"

Tama, kasama na naman yung chararat na Chiara na yun.

Chararat ba talaga ang tingin mo? Bakit parang insecure na insecure ka?

Cheeee! Ewan ko sayo!!!!

"Uyyy Jema, kinakausap mo na naman ba sarili mo?" Nakangising sabi ni Cy.

"Tara na nga. Humanda talaga sakin 'tong babaeng 'to, eh." Siniringan ko ulit si Cy nung ngumingiti ngiti at napapailing pa sya.

"Relax ka lang kasi, nandun lang yung alaga mo sa labas ng center nila. Wala naman ibang pupuntahan yun."

Ewan ko ba, sobrang kinakabahan ako. Kanina pa 'tong tanghali....

Kanina pang tanghali hindi sumasagot si Deannna.

Ano bang nangyari sa babae na yun?...

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.
Muling pagbigyan ang pusong pagmamahal." Bungad ni Kyla pagpasok palang namin ni Cy sa faculty office.

Nagtilian rin ang mga co-teacher namin. Alam din kasi nila na may nakaraan kami nitong mokong na 'to.

"Jusko Kyla..., tumigil kana!! Ang sakit sa tenga araw-araw nalang!"

"Booom ang sakit para kay Cy!" Tinignan ko ng masama si Kyla.

"Hayaan muna. hhndi pa siguro handa si Jema para sa comeback."

"Isa ka pa," sabay irap kay Cy.

"Hay naku! 'Wag kang papasindak, hindi naman naging masama ang relasyon nyo kesa dun sa isang ex..-"

"Kyla...," pinigilan ko ang paglakas ng boses ko, "tumigil ka na pwede? Ipupush pa talaga, eh. Okay ng magkaibigan nalang kami ni Cy."

"Oo nga, Kyla. Ito talaga," kamot ulong pagsang-ayon ng lalaking 'to.

"Baka ka na ngayon? Wow ah?" Natawa ako, siraulo talaga 'tong si Kyla, eh.

Siguro nga walang masamang tinapay ang nangayari sa relasyon namin ni Cy, kasi bago ako mafall out love sakanya.

Confused na ko sa sarili ko... yung tipong parang may hinahanap ako? Yung tipong parang may kulang sa relasyon namin.

Ayoko maging unfair sakanya kaya nakipagbreak ako. Mahirap makipag break, lalo na kung walang dahilan.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon