Final Chapter
Jema's
"Tiya Deanna! Tita Jema! Gising na po!"
"Ate Deans! Ate Je! Malelate na tayo!!!"
Mga sigaw sa labas ng kwarto na nagpagising sakin.
"Tangi!" Tinapik ko ang pisngi nya, nakapulupot rin ang braso nito sa hubad kong katawan.
"Hmmmm. Limang minuto pa," nakapikit na saad nya.
"Malelate na ko sa work baby loves, tumayo kana d'yan."
Wala na syang nagawa kundi tumayo sa pagkakahiga nya sa kama.
Tumambad sakin ang matambok nitong pwet, ngumisi ako at kinagat ang aking pang ibabang labi sabay kurot sa pisngi ng pwet ni Deanna.
Tinignan nya ko ng masama, "pasaway!" Inis na usal nya bago pumasok sa banyo, hahaha.
Ako naman pinulot ang mga damit na nakakalat sa sahig ng kwarto namin ni Deanna.
Maya-maya ay lumabas na ito at kumuha ng t-shirt at short sa cabenet namin.
"Maligo kana! Nag-aantay na si Ava at Peter," utos ni Deanna sakin.
Inismiran ko sya, "palibhasa kasi, taga mando ka lang sa rice mill factory ni Papa."
"Ang daldal mo malelate na kayo!" Inirapan ko sya at pumasok sa banyo.
Hindi ako makapaniwalang limang taon na ang nakakalipas simula noong maging kami ni Deanna, officially.
Mahirap ang LDR, lalo't nawawalan kami ng time para sa isa't isa.
Naging busy ako sa pag-aaral at the same time sa pagtuturo.
Samantalang si Deanna naging busy sa pag-aaral sa negosyo ni Papa, nag-aral rin ito ng argriculture Vocational course pero syempre tinapos na muna nya ang ALS program nya.
Pero hindi 'yun naging hadlang para sukuan namin ni Deanna ang relasyon namin.
Masasabing kong naging mas matatag pa nga kami dahil dun.
Sa loob ng halos limang taon naming LDR, mabibilang lang sa daliri ang pagkikita naming dalawa.
Kapag umuuwi ako dito, kapag christmas vacation or kapag summer vacation.
Kapag biglaan syang pumpunta sa maynila para isurprise ako. Kapag monthsary o anniversary namin.
Tinitreasure namin ang mga saglit na panahon na magkasama kami.
Worth it naman kasi nag-pay off lahat ng sacrifies namin.
Bukod sa, si Deanna na ang nagmamanage ng factory at farm ni Papa.
Principal na ko sa bayan kung saan nag-aaral ng high school si Ava at si Peter.
Nakapagpatayo narin kami ng 2 storage house ni Deanna.
Binili namin kay Papa yung lupa na dating kinatitirakin nung sirang kubo kung saan kami gumawa ng kababalaghan noon, hahaha.
3 months palang kami nakatira dito kasi hindi pa sya ganun kabuo, 6 months palang ang nakakalipas simula noong umuwi ako dito baryo.
Kakahired lang kasi sakin sa school nasa bayan at 4 months palang akong naapoint bilang principal doon.
Kaya ito, honeymoon stage kami ni Deanna, hahaha.
Binabawi ang mga panahong hindi kami magkasama.
Masaya ang relasyon namin kahit hindi bulgar, lowkey lang kumbaga.

BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfic"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!