Chapter Thirty-Three
Deanna's
Nasa bulsa ng pantalon kong suot ang mga kamay ko habang hinihintay si Jema.
Kinakausap nito ang babaeng tila ba, nakakulong sa loob ng salamin.
Tinatanong nya kung pwede pa akong kumuha ng pagsusulit kahit na lumiban na ko sa klase.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sya. Nakamaikli itong salawal na kulay itim, pulang blusa naman ang pang itaas na walang manggas.
Hindi lang talaga maganda si Jema, maganda rin talaga ang hubog ng katawan nito.
At bagay talaga sakanya kahit anong suotin nya.
Maswerte ang makakasama nya sa buhay, bukod sa panlabas ng anyo nito ay may busilak rin syang puso.
Maswerte ang taong mamahalin nya. Hindi ba't ako yun?
Pero paano ang salitang binitawan ko sa kaniyang Ama?
Nakalimutan ko ang pangako ko kay boss Jesse sa dami ng nangyari.
Pero bukod pa roon, mahal na mahal ko talaga ang anak nya.
May kasalanan din naman sakin si Sir Jesse, may kasalanan sya samin.
Siguro naman, mapapatawad nya ko sa kasalanang minahal ko lang naman ang anak nya.
"Deans!!!" Napalingon ako sa babaeng humahangos papalapit sakin.
May tila butil sa mata nito na nais kumawala roon.
Nagulat at napitlag ako nung yakapin nya ko. "Thank God, ligtas ka. Nag-alala ako sayo," sabi ni Mitch.
Napalunok ako, "Mitch! Hindi ako makahinga," ang higpit kasi ng yakap nya.
Kumalas sya ng yakap sakin at bahagyang ngumiti habang pinupunasan ang luha nya.
"Sorry, sobrang nagworry lang talaga ako sayo. Saan ka ba kasingaling ah? Hindi mo alam kung gano kadelikado dito sa maynila. Paano kung napahamak ka?" Hinampas nya ang braso ko, "nakakainis ka!"
Natawa ako.
"Salamat sa pag-aalala mo, pero wala naman nangyari sakin. Buo parin ako," nakangiting sabi ko.
"Lagi kitang tinatanong dun sa kaibigan mong si Chiara, pero matigas sya. Ayaw talaga nyang sabihin kung nasaan ka." Hinawakan ni Mitch ang mga kamay ko, "sumabay kana sakin pabalik sa probinsya ah? Pauwi na ko next month."
"Bitaw!" Napitlag kami pareho ni Mitch sa pagsigaw ni Jema.
Magkasalubong ang mga kilay nito, lumalakad sya palapit samin.
Heto na naman yung pamilyar na eksena ng dalawang babaeng 'to.
Kinuha ni Jema ang kamay ko sa pagkakahawak ni Mitch, hinila nya ko para itago sa likuran nya.
"Wag na wag mong hahawakan ang girlfriend ko, wala kang karapatan."
"Girlfriend?" Gulat na saad ni Mitch bago tumaas ang kilay, "sigurado ka ba dyan sa pinapasok mo?"
Anong ibig nyang sabihin?
"Wala kana paki-alam at isa pa, kunwari ka pang nag-aalala kay Deanna. Eh hindi ka naman gumawa ng paraan para mahanap sya?"
"May paiyak iyak pa 'tong labanos mustasa nato!"
"Excuse me? Miss. Petchay hindi mo alam ang nararamdaman ko kaya wag mo ko ijudge." Pati si Mitch may alyas narin kay Jema?
Nakakaramdam na naman ako ng tensyon na kailangan ko na naman iwasan.
"Ahm Jema.....-"
"Ano????" Napitlag ako sa pagsigaw nya, "wag mong sabihing gutom ka na naman!!"

BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!