25

2.1K 116 8
                                    

Chaptet Twenty-Five


Jema's

Bakit ba hindi ko matyempuhan ang chararat na Chiara na yun?

Ilang araw na kaming nagbabantay ni Cy dito sa labas ng ALS center pero kahit anino nya di naman makita.

May hinala kasi kami na sakanya sumama si Deanna, sobrang nag-aalala na ko sakanya.

Wala parin balita sa mga pulis, lagi nalang sinasabi na gagawin po namin ang lahat. Pero wala naman talaga silang ginagawa. Nakakainis na.

Kaya yung kaibigan nalang ni Deanna na si Chiara ang tangin pag-asa ko.

"Jema.., ayan na." Kinalabit ako ni Cy, nagmamadali akong bumaba ng kotse nya. Pero putcha! Biglang may humintong police car at sumakay si Chararat dun..

Patakbo akong bumalik sa loob ng kotse.., "Cy, sundan mo!"

Nakakainis naman..., natyempuhan nga namin pero nakawala naman agad.

"Cy, bilisan mo!" Napasigaw ako nung humarurot yung police car.

"Teka lang, Jema. Baka maaksidente tayo!"

"Si chararat nalang ang tanging pag-asa... hindi na sya pwede makawala."

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit sya sinakay sa police car?"

"Iisipin ko pa ba yun? Si Deanna lang inaalala ko at naiisip ko ngayon!"

Tumingin sakin ng bahagya si Cy, "gusto mo ba sya?"

"Pwede ba Cy,... hindi ngayon ang oras para pag-usapan 'yan."

"Aaaayyyyy,...." napatili ako nung biglang nagpreno si Cy. Huminto rin kasi yung police car.

May bumabang lalaking malaki ang tyan..., tansya ko nasa 40's na ang edad nya. Nakapolice uniform ito.

Pinatabi nya sa gilid ng kalsada ang kotse ni Cy at pinababa ang bintana nito.

"Sir, sinusundan nyo ba ako?" Nagtinginan kami ni Cy

"Sir, pasensya na po. Pero yung babaeng sinakay nyo ang kailangan namin."

"At ano naman ang kailangan nyo sakanya?"

"Yung girlfriend ko po, nasa kanya," napatingin sila sakin.

"Girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cy.

Medyo natawa naman yung police.

"Sir, please! Kailangan ko lang maka-usap yung babaeng kasama nyo."

"Pasensya narin, Miss. Pero nagmamadali rin kasi kami."

Lumakad si mamang pulis palayo sa kotse ni Cy.

Mabilis akong bumaba para habulin sya, "Sir. Saglit lang."

"Miss, urgent tong lakad namin. Para rin 'to sa babaeng hinahanap mo."

"Ibig sabihin nasa inyo nga si Deanna?"

"Maayos sya," napatingin kami kay chararat este Chiara. Bumaba ito ng police car.

"Tinutulungan namin syang mahanap ang ate nya. At mukhang ngayong araw na namin sya maibabalik sakanya. At isa pa, masaya na si Deanna sa bagong buhay nya dito sa maynila. Masaya sya sa piling namin, masaya sa piling ng bagong pamilya nya."

May lead na sila? Sabagay police nga naman 'tong kasama nya. At anong sabi nya? Masaya sakanila si Deanna....? Bagong pamilya nya?

"Tara na, Paolo." Tawag ni Chararat sa malaki ang tyan na pulis na'to

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon