34

2.3K 102 7
                                    

Chapter Thirty-Four

Deanna's

"Ang pogi mo sa buhok mo," biro sakin ni Chiara.

Nung una nagulat sya nung makita nya kong muli dito sa ALS center.

Kasi akala nya uuwi na ko, sabi ko, pinaki-usapan ako ni Jema na tapusin ang naumpisahan ko.

"Mas bagay pala sayo ang walang bonet o sumbrero mas lumilitaw ang kakyutan mo," sabi din yan sakin ni Mitch kanina nang makita nya ko.

Pinaayos ni Jema yung buhok ko, sabi pa nya, wag na wag ko na daw tatakpan para makita daw ang kakyutan ko.

Pare-parehas pa talaga sila ng sinabi, nagusap-usap kaya sila? Napakaimposiblea naman nun.

"Teka nga, Chiara. Bakit ka ba nakasalamin?"

"Hehehe, wala lang trip ko lang." Duda ako sa tinuran nya.

Tinignan ko ito ng maige at sinipat ang mukha nya, "nakikita mo ba 'yang kinakain mo? Tanggalin mo na 'yan."

"Okay lang. Naki.....-" tinanggal ko ang salaming suot nya. Nanglaki ang mata ko.

"Anong nangyari dyan? Bakit may pasa?"

"Wala 'to." Pabalya nyang kinuha ang salamin sa kamay ko, sinuot nyang muli sa mata nya.

"Chiara, sabihin mo na sakin anong nangyari dyan? Bakit ka may pasa?"

Huminga sya nang malalim, "Deans," Tinanguan ko sya. Tunanggal nya ang salamin sa pagkakasuot sa mga mata nya.

Agad ring may tumulong luha mula roon, "nahuli kami ni Paolo ng asawa nya." Tumatangis nitong saad,"binugbog ako. Wala akong nagawa, hindi ako makalaban, wala akong karapatan."

Lumipat ako sa pwesto ni Chirar, kinabig ito payakap sakin.

"Hinayaan ko lang saktan nya ko Deanna, hinayaan lang din ni Paolo. Wala syang ginawa," humagulgol sya. "Wala syang ginawa para tulungan ako," humigpit ang pagkakayakap ko kay Chiara.

"Tahan na, Chiara. Hindi karapat dapat iyakin si Sir Paolo, mabait sya. Pero kung hindi nya kayang iwan ang lahat para sayo, hindi sya karapat dapat sa luha mo."

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin, "sino ba naman kasing magseseryoso sa katulad ko di ba?"

"Babaeng mababa ang lipad at pinagsawaan na ng iba't ibang lalaki."

Hinaplos ko ang pisngi nya, "wag mong maliitin ang sarili mo, dadating yung taong para sayo."

"Yung taong tatanggapin ka ng buong buo, kahit ano ka pa."

Hindi sya sumagot, niyakap nya lang akong muli....

---

Tinatawagan ko si Jema para magpaalam sana.

Kaya lang hindi ko ito makontak.

Siguro abala pa sya sa mga gawain nya sa eskwela.

"Sigurado ka bang gusto mo munang mamasyal?" Tanong ni Chiara, tumango ako sakanya.

"Deans, hindi mo naman kailangan pagaanin ang loob ko."

"Para sakin 'to Chiara, kaya wag ka ng tumutol pa." Tumawa sya.

"Bahala ka nga."

Inabot ko ang telepono ko sakanya.

"Hindi ko makontak si Jema, maaari bang imensahe mo sya?"

"Marunong ka naman ng magsulat di ba?"

"Ang bagal ko kasi magdutdot dyan, eh. Matatagalan tayo."

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon