Chapter Fourty-Five
Deanna's
Nakangiti ko lang pinag-mamasdan si Jema habang nagtuturo ito sa mga bata sa loob ng kubo, ang kubong ginawang silid aralan.
Siya muna ang humalili kay Mitch hanggat may sakit ito.
Kitang kita ko talaga ang pagkagusto ni Jema sa pagtuturo, kitang kita ito sa masaya at masigla nyang mukha habang tinuturuan ang mga bata.
Kaya kahit kailan hinding hindi ko iyon ipagkakait sakanya.
Lalo na sa mga batang nais lamang ang karunungan mula sa mga katulad ni Jema.
Tumingin sya sakin, lalo namang lumawak ang pagkakangiti nya.
Pinag ekis ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko at sumandal sa hamba ng pinto ng kubo.
Napatingin din sakin ang mga bata lalo na si Peter at Ava.
Ngumisi si Peter na tila ba tinutukso ako.
"Titser Jema, may nobyo kana po ba?" Biglang singit ng isang bata.
Mga malilisyoso narin talaga ang mga bata ngayon, masyado na silang mauusisa kahit pa sa mga bagay na hindi naman dapat.
"Magugulat ba kayo kung sasabihin kong nobya ang meron ako?"
Napanganga at napatuwid ako ng pagkakatayo sa tinuran nya.
Nagtinginan ang mga bata na tila ba pinoproseso sa utak nila ang winika ng kanilang guro.
"Ibig po bang sabihin tomboy ka rin katulad ni ate Dina?" Tanong ulit ng isang bata.
"No!" Ngumiti si Jema, "babae ako na nagmamahal sa babae rin," tumingin sya sakin.
"Hindi ba't ganun rin iyon?"
"Oo. Ang sabi ng Nanay at Tatay ko basta ang babae ay nagkakagusto sa babae ay tomboy ang tawag doon."
Ilan lang iyan sa mga bulong bulangan ng mga bata.
Natawa naman si Jema, "hindi naman ang buhay ko ang dapat nyong matutunan diba? Ang tanging obligasyon lang naman sainyo ng inyong guro ay bigyan kayo ng kaalaman. Katulad kung paano ninyo maisusulat ang inyong pangalan at kung paano kayo makakabasa ng abakada, hindi ba?"
"Opo!!" Sabay-sabay na saad ng mga bata.
"Hindi naman sumasalamim sa pagkatao ko ang pagbibigay kaalaman sainyo."
"Hindi naman madudungisan ng pagkatao ko ang aral na pinapahatid ko sainyo."
"As long na naibibigay ko ng malinaw ang karunungan na dapat ninyong matutunan at malaman. Wala naman sigurong masama kung babae rin ang gusto ni Teacher, hindi ba?"
Napalunok ako at inaabangan rin ang maaaring sagot ng mga bata.
"Hindi naman po mahalaga kung ano ka Teacher," napatingin kami kay Peter. "Ang sabi nila ang mga guro ang dapat maging mabuting ehemplo sa aming mga kabataan."
"Pero depende rin yun sa amin kung paano namin kayo susundan."
"Hindi naman po masama kung babae rin ang gusto mo, kasi hindi naman po 'yun nakaka-apekto sa aral na binibigay ninyo sa amin."
"Yung knowledge o karunungan lang dapat ang nagmamatter sa mga bata, hindi yung personal nating buhay. Kasi lahat tayo may karapatan."
"Karapatan nating magmahal at karapatan din natin piliin kung sino o saan tayo masaya."
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!