Chapter Fourty-Nine
Deanna’s
“Tadahh! Buffulo wings for my one and only!”
“Sabi ko naman sayo huwag ka ng mag-abala, eh!”
Umupo sa tabi ko si Jema sa mahabang hapag kainan nila.
“Last Day ko na dito kaya dapat memorable. Kumain ka nalang kasi, huwag ka ng umangal dyan.”
Nilagyan nya ng kanin ang plato ko at ng pritong pakpak ng manok na may sarsa.
“Masarap?” tanong nya noong sumubo ako.
Ngumiti ako at ilang beses na tumango, “salamat Tangi!”
Kinurot nya ang pisngi ko, “kamusta pala ang unang araw sa Rice mill factory ni Papa?” kumunot ang noo ko “I mean sa gilingan nya.”
“Nalilito ako. Ang daming makina iba’t iba ang gamit mula sa paglilinis ng palay hanggang sa babalatan na ito. Meron din do'ng malalaking plangana na nakadikit sa malaking makina, dun daw hinihiwalay ang iba’t ibang uri ng bigas.”
Napakamot ako sa ulo ko, “hindi ko talaga maintindihan, nahihiya naman akong magsabi kay boss Jesse na dito nalang ako muli sa bukid. Mas gamay ko rito Jema,” hinawakan nya ang kamay ko.
“Makukuha mo rin 'yan, t'yaga lang ah?”
“Paano kapag nagkamali ako? Baka mapahiya lang ako sa Papa mo.”
“Napaka nega mo naman! Hindi ka pababayaan ni Papa ok? ALS nga naipasa mo, eh. Yakang yaka mo 'yan!”
“Yakang yaka?” paguulit ko.
“Hahaha, I mean kayang kaya mo yan, gawin mo para sakin ah?”
Naisuklay ko sa buhok ko ang aking mga daliri agad naman iyon hinuli ni Jema at tinignan ako deretso sa mata.
“Please Deans?” lumunok ako at tumango na lamang.
Ngumiti sya at kinurot kurot ang pisngi ko, “magtiwala ka lang magiging worth it din 'to lahat.”
“Anong ibig mong sabihin?” umiling sya.
“Kumain ka muna. Tapos maglakad-lakad tayo pagkatapos mong kumain.”
“Gabi na Jema, maaga ka pa luluwas bukas hindi ba?”
“Last day ko na dito Deanna, pagbigyan mo naman ako oh?” Nakangusong sabi ni Jema, waaahh! Wag kang ganyan. Baka mahalikan kita.
“Sige, na nga!” ngumiti ako bago muling kumain. Sa pagkain nalang ituon ang pansin, baka ikaw pa ang makain ko, eh.
“Yeahey, thank you tangi!” Lalo akong napangiti, para kasi itong bata.
-----
“Ang ganda at ang liwanag ng buwan!” tumuro pa si Jema sa langit.
Hawak ko ang kamay nya habang naglalakad kami sa madilim na kabukiran sa di kalayuan sa bahay nila.
May dala rin kaming pailaw na tinatawag na flash light sa ingles upang tanglawan ang dinaraanan namin.
Pinagmasdan ko ang magkasaklob naming mga palad ni Jema, dinadama ang init na binibigay nito sa akin.
Ilang sandali na lamang at magwawakas na ang aking panaginip, magigising na ako sa masarap na pangarap na ito.
Matatapos na ang mga huling sandali makakapiling ko si Jema, bukas magiging normal na muli ang lahat.

BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfic"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!