Chapter Three
Jema's
Nakaupo kami ngayon ni Iza sa lilim ng malaking puno ng akasya.
Napangiti ako nung maalala kong dito din kami nagpahinga noon, nung bata pa kami.
Pagkatapos naming magpalipad ng saranggola, katulad ngayon.
Tinignan ko si Iza napansin kong lagi syang nakasumbrero.
Sabagay mainit naman talaga sa bukid kaya kailangan mo ng panangga.
Pero kaibahan lang sa pagkakasuot nya ngayon, nasa batok yung hood ng cup nya.
Ano ba 'to, bakit ba pati mga ganung bagay napapansin ko pa sakanya?
"Isang buwan lang po pala kayo magtatagal dito no?" Napakurap pa ko nang magsalita sya.
Bigla ko na naman na alala yung paglalapit ng mukha namin kanina.
Halos hindi ako maka-hinga, buti nalang talaga biglang nahulog yung saranggola sa harap namin.
Pinilig ko ang ulo ko may tinatanong nga pala sya.
"Paano mo alam?" Ngumiti ito, shit bakit ang cute nya.
"Nasalubong ko kanina yung kapatid mo, tila naligaw din sya kaya sinamahan ko itong pabalik sainyo at nabanggit nga nya na isang buwan lamang kayo rito."
Ang daldal talaga ng kapatid ko na yun.
"Mag-eenroll pa kasi sya para sa next school year, tapos ako naman mag-start na magturo."
Matipid lang na tumango si Iza, parang nakukunsensya talaga ako.
Kasi hindi ko na matutupad yung pinangako ko sakanya nung bata pa kami.
Ayaw kasi talaga ni Papa kahit anong pilit ko.
"Pangarap ko ring makaluwas ng maynila," nabaling naman ulit ang atensyon ko sakanya.
"Sabi nila, magaganda daw ang mga nagkikinangang gusali roon, kasing ganda raw ng mga bituin." Nakangiting saad nito na nakatingin sa kawalan.
Karamihan talaga sa mga taga probinsya ang tingin sa maynila ay isang paraiso.
Pero ang hindi nila alam, mas maganda at mas payapa ang buhay rito.
"Yun lang ba ang dahilan kung bakit gusto mong pumunta dun?"
Ngumiti na naman sya, jusko ang cute talaga.
Ano ba yan Jemalyn!!!
"Nais kong hanapin ang nakakatanda kong kapatid roon, kay tagal na nung huli syang nagpadala ng telegrama samin at nag-aalala na kami."
"Hinahanap na sya ni Ava, kailangan nya ng totoong Inang mag-aalaga sakanya."
Napalitan ng lungkot ang kaninang masaya nitong mukha.
"Gusto ko rin maging janitor roon," nabigla ako sa huling nyang sinabi.
"Alam mo ba kung ano yung janitor na sinasabi mo?"
Jusko ayon na naman yung pagngiti nyang nakakalaglag ng p...., puso gaga.
"Taga linis ng malalaking bahay hindi ba?"
Medyo natawa ako, "hotel ang tawag dun, pero hindi lang sa hotel naglilinis ang mga janitor."
Tumingin ito sakin na para bang interesado sa mga susunod na sasabihin ko.
"Pwede rin sa mall, sa grocery at kung saan-saan pang malalaking building sa maynila."
Kitang kita ko ang pagkaexcite sa mga mata ni Iza, kumikinang ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!