Chapter Seventeen
Deanna's
"Nagpahatid ka naman sa tomboy mong manliligaw ,Mitch."
"Sira, hindi naman yun nangliligaw. Mabait lang talaga yun si Deanna."
"Sure ka ba dyan? Sa kilos at galaw nung Deanna na yun halata naman may gusto sayo."
"Well, hindi naman ako manhid para hindi yun makita at maramdaman."
"So, wala ka bang gagawin? Hahayaan mo lang talaga syang pumorma sayo? Kadiri ah?"
"Uyyyy, gaga. Ang sama mo!"
"Bakit? Totoo naman ah? Dalawang babae? Kadiri kaya."
"Ang judgemental mo ah?"
"Bakit gusto mo ba sya? Iwww talaga, Mitch ah!"
"Loka ka Desh, Hindi no? Pero hindi naman sya nagsasabi, eh. Kaya hinahayaan ko nalang."
"Isa pa, sya lang yung napagkakatiwalaan ko sa baryo, kesa naman sa lalaki ako magpahatid at sundo di ba? Nakakatakot."
"Ewan ko sayo. Hindi ka ba natatakot na pag-tsismisan ka? Teacher ka tapos papatol ka lang sa magsasaka na wala namang pinag-aralan? Tomboy pa."
"Bargas ka talaga! Hindi ako papatol kay Deanna no? Oo, cute sya. nnakakatuwa. Lalo na yung pagka-inosente nya."
"Pero gurl, gusto mo bang kalbuhin ako ng Nanay ko kapag nalaman nyang pumapatol ako sa tomboy? Tulad nga ng sinasabi mo magsasaka at walang alam sa buhay."
"Anong ipapakain nya sakin, kamote? Saging? No, way. Magiging kahihiyan ko lang sya sa buhay."
"Ako daw ang judgemental."
"Hayaan mo na kasi si Deanna, masaya naman akong kasama sya."
"In short, gustong gusto mo lang syang paglaruan kasi may napapala ka sakanya."
Hindi ko na hinintay ang sagot pa ni Mitch, nilisan ko na ang silid ng pinag-uusapan nila na hindi nila nalalaman.
Hilam ang luha ko habang tumatakbo palayo sa iskwelahan kung saan sya nagtuturo sa bayan.
Nakalimutan kong may sasabihin pala ako sakanya, gusto ko sanang sabihin na, gusto ko sya.
Gusto ko sanang ipaalam sakanya na gusto ko syang suyuin upang maging aking kasintahan.
Ngunit masasabi ko ba pa iyon? Pagkatapos ng aking mga narinig?
Sino nga ba ako para magustuhan ni Mitch? Napakababa ko kumpara sakanya.
Katulad nga ng tinuran nito, magiging kahihiyan lamang ako sa tulad nya.
Simula noon, hindi na ako nagpakita ng paghanga pa kay Mitch.
Hindi na ako nanonood kapag nagtuturo sya, lagi kong sinasabi na marami akong gagawin kapag inaaya nya ako.
Hindi naman nagbago ang pakikitungo ko sakanya.
Magiliw parin akong nakikisalamuha sakanya, nginingitian ko sya na tila ba walang nangyari.
Madali ko lamang syang nakalimutan sapagkat hindi ko na sya pinupuntahan ko saan ito nagtuturo.
Ngunit, nalulungkot parin ako kapag pinapangakuan nya ko na tuturuan sa aking kubo ngunit hindi naman sya sumisipot.
Nalulungkot ako hindi dahil nasasaktan ako, nalulungkot ako dahil sa isiping pinaasa na naman nya ako.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fanfiction"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!
