30

2.6K 130 6
                                        

Chapter Thirty

Deanna's

"Ate Deans, ang ganda talaga nitong t-shirt mo branded to, eh." Kinuha ko sa kamay ni Peter ang damit na hawak nya at inilagay ko sa bag.

"Arbor ko nalang yan. Sure namang bibilhan ka pa ng maraming ganyan ng Ma'am Jema mo."

"Baka hanapin nya ipapaalam ko muna ah?"

"Ibig sabihin babalik ka pa dito?"

"Bago ako umuwi sa probinsya, babalik ako dito."

"Mamimiss kita, ate Deans. Wala na kong buddy sa pamamasura, hahaha."

"Kung gusto mo pwede kang sumama sakin sa probinsya."

"Walang kasama si Nanay Nelia dito, eh. Isa pa, mas gamay ko na ang buhay dito sa maynila."

"Kung may pagkakataon bumalik ka sa Mama mo, mag-aral ka. Mas matutulungan mo si nanay Nelia at ate Chiara mo, kung may tinapos ka."

"Mag-aaral din ako ate Deans, wag kang mag-alala. Nangako sakin si ate Chiara, pag-aaralin nya ko."

Ngumiti ako at sinukbit ang bag ko..., niyakap ko si Peter, "mag-ingat ka dito ah?" Tumango sya.

"Ikaw din ate Deans, ingat ka sa pag-uwi sa probinsya." Ginulo ko ang buhok nya.

"Punta muna ako sa pwesto ni Nanay para makapag-paalam."

"Sige, ate Deans. Didiskarte naman ako. Babye, ingat ka!"

Parang nalungkot ako habang pinapanood na tumatakbo papalayo sakin si Peter. Ngayon palang nangungulila na ako sakanya.

"Nag alala kami sayo kagabi, saan ka ba nagpunta? Akala namin nahuli ka na at dinala sa DSWD, pinacheck pa kita kay Paolo." Nilingon ko si Chiara.

"Nagkita kami ni Jema, kagabi. Umiiyak sya kaya sumama ako sakanya."

Medyo natawa si Chiara, "naawa ka? Ganun?"

Umiling ako, "namiss ko sya, eh. Gusto ko syang makasama!"

"Kaya pala dala mo na ulit ang mga gamit mo? Sakanya kana ulit titira?"

Umiling ulit ako, "babalik na ako ng probinsya. At oo. Sa kanya muna ako ulit titira, susulitin ang mga araw na andito pa ko, kasama sya."

"Hindi parin ako sigurado kung may kinalaman nga sya sa nangyari sa ate ko o si boss Jesse lang. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon, totoong gusto ako ni Jema."

Hindi naman nya ibibigay ang sarili nya sakin kung pinaglalaruan nya lang ako diba?

"Kung 'yan ang desisyon mo susuportahan kita. Basta, kung ano man ang mangyari tatawagan mo kami ah?" Tumango ako.

"Maraming maraming salamat sa pagpapatuloy nyo sakin dito, Chiara!"

Ngumiti sya at lumapit sakin, tinapik ang braso ko.

"Sino pa ba ang magtutulungan? Eh di, tayo-tayo lang din diba?" Niyakap nya ko, "mamimiss ka namin!"

"Mamimiss ko rin kayo! Pero mas miss ko na kais si Ava at Nanay. Gusto ko na talagang umuwi samin."

"Ingat sa biyahe," sabi ni Chiara.

Tumango ako, "ibabye mo nalang ako kay sir Paolo. Pakisabi maraming salamat sa tulong nya, hindi narin ako umaasa na mahahanap pa ang mga labi ng ate ko."

"Have faith! Ginagawa ni Paolo ang lahat."

"Sige na. Mauna na ko. Baka gabihin ako, dadaan pa ko sa nanay mo. Maglalakad lang ako, eh."

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon