41

2.4K 133 29
                                    

Chapter Forty-One

Jema's

Imbis na nagpapahinga ako dahil pagod ako sa biyahe. Heto't naglalakad ako sa mainit at malawak na bukiri na 'to.

Buti nalang nakalong sleeve shirt at leggings ako. Panangga sa nakakapasok sikat ng araw.

"Ma'am Jema!!" Hinanap ko ang maliit na boses ng babaeng tumawag sakin.

"Ava!" Ngumiti ako sakanya.

"Mabuti po't nakapasyal kayong muli rito sa baryo natin."

Mukhang mas tumangkad na sya ngayon, halos taon palang nung huli ko syang nakita.

"Namiss ko kasi yung tanawin dito at ang masarap na sariwang hangin."

Yun ba talaga Jemalyn?

Ngumiti si Ava, "gusto mo po bang sumama sakin sa kubo? Kukuha po ako ng pagkain para kay tiya."

"Bakit hindi nalang sa bahay namin? Nakaluto na ata si nanay Judin."

"Meron narin pong nakahandang pagkain para kay Tiya. Nagluto narin po si ate Chi....."

"Ava!!!" Nahinto ang sasabihin nya sa pagtawag ng lalaking papunta sa gawi namin.

"Halika na, maglaro na tayo ng saranggola," sabi nito ulit.

"Sandali lamang kuya Peter, hindi ba't uuwi muna tayo sa kubo upang kunin ang pagkain ni tiya?"

Peter? Parang pamilyar ang batang 'to?

"Hindi na. Si ate Chiara na ang naghatid ng pagkain ni ate Deanna!"

Chiara? Kaya pala pamilyar ang batang 'to dahil alipores pala to ni chararat.

"Hindi lang ako ang babaeng nagkakagusto sakanya dito."

Naalala ko yung sinabi sakin ni labanos mustasa kanina.

Yun pala ang dahilan kung bakit nya nasabi yun.

Dahil nandito narin pala ang babaeng haliparot.

Ang babaeng sinasabi ni Mitch na babagay kay Deanna....

"Ma'am Jema!" Hinawakan ni Ava ang kamay ko, nabalik ang atensyon ko sakanya.

"Heto po pala si Kuya Peter, kaibigan po sya ni tiya Deanna, mula sa maynila."

"Ikaw pala si Ma'am Jema, yung palaging kinukwento sakin ni ate Deans. Totoo ngang maganda ka," napangiti ako.

"Talaga? Lagi nyo kong pinag-uusapan?" Masayang tanong ko kay Peter.

"Hmmm," tumango sya. "Nung sa amin pa sya nakatira, galit sya sayo noon. Pero kapag kinukwento ka nya, kumikislap ang kanyang mga mata."

"Galit si tiya kay Ma'am Jema?" Singit ni Ava.

Hindi ba nya alam na may kinalaman si Papa sa pagkawala ng Mama nya? Dahilan para magalit samin si Deanna?

Pero si Nanay Judin alam naman nya di ba?

Bago pa kami lumawas ng maynila ni Deanna alam na niya.

Hinaplos ko ang buhok ni Ava, naawa rin ako sa batang 'to.

Ang bata pa nya para maulila ng lubos kaya siguradong mas mahal na sya ngayon ng tiya.

Siguro, masyado na namang inaabuso ni Deanna ang sarili nya para kay Ava.

"Pwede ba akong sumama sa bukid kung saan nag-aani si tiya Deanna mo?"

Nagtinginan si Ava at Peter.

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon