Chapter Six
Jema's
Pagbalik namin ni Deanna sa baryo nagpatulong agad ako sakanya para ayusin ang mga gamit ko.
Nagtanong din ako sakanya kung may malapit na lumang kubo sa bahay namin.
Kasi nakakaawa yung mga batang nabibilad sa init ng araw kahit pa sabihing nasa lilim sila ng malaking puno.
Isa pa, bumili ako ng malaking board kaya kailangan talaga ng pagpapatungan or pagkakabitan nito.
Yung kay labanos mustasa kasi may kawayang paa yung black board nya.
Sabi din ni Deanna, igagawa din daw nya ko ng ganun.
Pero sabi ko mas gusto kong maliit na kubo lang para at least may silungan din kami.
At heto nga, nagpatawag si Papa ng mga kalalakihan para gumawa ng maliit na kubo.
Mukhang bukas narin ako makakapag start magturo kasi maggagabi na pero hindi parin sila tapos.
"Isang buwan lang ito Jessica, walang labis, walang kulang," giit ni Papa.
Hala? Kulang 4 weeks nalang kaya kami dito, Pa?
"Pa, baka naman pwedeng kahit mga 2 to 3 months pa ako dito? Wala pa naman sagot dun sa mga inapplyan kong school, eh."
"Saka promise, iiwasan ko yung mga lalaki taga rito, mapa-anak may kaya man or anak ng farmers natin."
"Eh kasi babae naman talaga ang gusto mo," bulong ni Mafe.
Agad ko syang tinignan ng masama, panira talaga tong bruhang 'to.
"Pero ako Pa, mauuna na ako kay ate. Baka next week uuwi na kong maynila, mag eenroll pa ko" masyado naman syang excited.
"Wala kang kasama sa bahay."
"Sa dorm na ko dederetso, Ma."
"Kung ganun, maiiwan na ko dito, tutal naman mag-dodorm na pala itong si Mafe."
"Wala na akong kasama dun Ma?"
"Matanda ka na Jessica, kaya mo ng mag-isa," napanguso nalang ako.
Tumingin ulit ako kay Papa para alamin ang sagot nya pero poker face itong umiling sakin.
Kakainis naman talaga 'tong tatay ko!!!
Tumingin nalang ako kay Deanna na naghahabi ng mga maninipis na kawayan para gawing pader ng kubo.
Tapos nasa tabi naman nito si Ava na binibilang yung de latang binili ko kanina sa bayan.
Hindi ko alam kung ilang beses na nya 'yan ginawa simula nung binigay sakanya ng tiya nya.
Napangiti ako. Kahit papano, magaan din sa dibdib na nakatulong ako sakanila kahit sa simpleng de lata lang.
Tapos bonus pang niyakap ako ni Deanna, nagulat talaga ako at sobrang kinilig.....
Nanghina pa nga ako eh, hahaha. Tapos yung gaga yun, tinanong na naman ako kung nilalagnat daw ba ako?
Napaka-manhid nya lang talaga, akala ko ba may girlfriend sya?
Hindi ba nya napapansin na namumula yun? Kapag kinikilig?
Sabagay, mga kayumanggi sila kaya hindi mo talaga mapapansin kung nagbablush sila, hahaha.
Nabaling naman ang atensyon ko sa pagtunog ng Cellphone ko.
Agad din kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang rumehistrong pangalan dito.
Mr. Dean Wong Calling
Ano na naman kaya kailangan ng dating prof ko na to?
Lumakad ako palayo bago sa sagutin yung tawag nya, masyado kasing maingay sa lugar kung saan ginagawa yung kubo.
"Hello po sir? Ano pong kailangan nyo?"
"Oh hello, Ms. Galanza! Nakita ko lang 'tong resume mo sa principal office."
"Yes ,po sir. Nag-apply po kasi ako dyan sa school na pinagtuturuan nyo."
"Ahh,... I see. Medyo madami ka ring kasabay? Baka matabunan 'tong resume mo."
Parang hindi ko ata gusto ang gusto nyang ipahiwatig.
"Magpapasukan na Miss. Jessica, kung gusto mo, may mabilis akong paraan para matanggap ka."
"Ahmm,.... Sir mawalang galang na po ah? Yun lang po ba ang itinawag nyo? Kasi Sir kaya ko pong makapasok sa school na 'yan ng walang tulong nyo o ng kahit sino."
"At sakali man pong hindi ako mahire sa school na 'yan madami pa pong school sir."
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya, "isa sa pinaka malaking public school to Miss. Galanza. Sasayangin mo ba ang pagkakataon makapasok dito?"
"Gusto ko pong makapasok dyan sir! Pero hindi sa paraang gusto nyo! Mawalang galang na po ulit! Marami po akong ginagawa kaya ibababa ko na po 'to, salamat po!"
Nakakagigil talaga yung babaero teacher na yun.
College pa ko kursunada na talaga nya ako eh. Buti nalang talaga napapasa ko ang subject ko sakanya kaya wala syang pagkakataon na gipitin ako.
Partime nya lang naman ang pagiging prof sa university namin dahil license teacher sya sa pinaka malaking public school sa maynila.
At dun nga ako nag-apply pagkapasa ko palang ng board last year.
Kung hindi man ako mahire okay lang, hinding hindi ko ibaba yung sarili ko sa manyak na lalaking yun.
Bumalik ako sa likod bahay namin kung saan ginagawa ang kubong magsisilbing classroom ko.
Wala na sila Papa at ang tanging mga kalalakihan nalang ang nandun.
Nandun parin naman si Deanna at Ava.
Kinakabit na nito yung nahabi nyang kawayan sa mga poste ng kubo.
"Hi, mam Jema! Pwede mo rin ba kaming turuan dito?" Sabi nung isa sa mga lalaki.
Matipid akong ngumiti, "oo naman. Kung gusto nyo at kung pwede kayo."
"Yun!!!" Masaya nilang sabi. Nginitian ko lang sila.
Lumapit ako sa gawi nila Deanna.
"Tiya, anong gagawin nating luto sa sardinas na to?"
"Lalagyan natin ng sabaw at ng talbos ng kamote Ava."
"Buti nalang meron pa po tayong natitirang bigas no?"
Ang sabi sakin ni Deanna kapag may ulam lang daw sila nagluluto ng kanin mula sa parti ng pagsasaka nya.
Pero kapag wala daw saba or kamote lang daw ang kinakain nila.
"Ano naman gagawin nyong luto sa conrbeef?" Napatingin sila sakin.
"Mam Jema, marami pong salamat dito ah?" Sabay yakap ni Ava sakin.
"Naku, maliit na bagay," tapos ginulo ko ang buhok nya.
"So, ano ngang gagawin nyong luto sa cornbeef?"
Tumingin si Ava sa tiya nya bago umiling sa tanong sa tanong ko, "hindi pa po kami nakakakain nun."
"Masarap 'yan, kapag ginisa or lalagyan ng itlog. Gusto mo 'yan ang iluto ko para sainyo?"
"Talaga po? Sasama ka po ulit sa kubo namin?"
"Ahm,,, mam Jema. Baka po gabihin ulit kayo," singit ni Deanna.
"Okay lang 'yun, pwede naman dun na ako matulog, eh. Sandali lang magpapaalam lang ako kay Papa." Sabi ko at tumakbo papasok sa bahay namin
"Sandali lang po mam Jema," pigil pa ni Deanna pero hindi ko na sya pinansin.
BINABASA MO ANG
Saranggola
Fiksi Penggemar"kung kamangmangan man ang pagmamahal, pwede mo ba akong turuan?" Basahin po muna sa Realismo, bago umpisahan basahin dito 😊 thanks!