QUINE's
Knock,knock~
"Quine?"
Knock,knock~
Sino ba yang katok ng katok?!!
"Quine?" pag-uulit na naman boses sa labas ng pintuan ng bahay ko.
Halos madaling araw na din kami naka-uwi ni Tim kahapon kaya ilang oras pa lang ang tulog ko! Idagdag mo pa yung haba ng biyahe ko sa eroplano!
I need sleep please, sana panaginip lang yang taong kumakatok sa labas, please!
Knock, knock~
"QUINE!" mas nilalakasan niya pa ngayon ang pagkatok! Naiiyak na ako, gusto ko pang matulog!
" Bwiset ka Tim!" inis kong sigaw sa unan ko. Wala na akong nagawa kung hindi pag-buksan siya ng pintuan.
"Bakit naman ganyan ang mukha mo? Ito, may dala akong breakfast natin." gustuhin ko mang matuwa sa dinala niya saken inaantok pa talaga ako!
" TARA NA KAIN NA TAYO!" Sigaw nito sa may kusina.
Naghilamos muna ako bago magtungo sa may kusina.
Hindi ko pa naayos ang bahay ko kaya halos lahat ng gamit ay naka-box pa at yung iba namang gamit ay nababalutan pa ng plastic, mga bagong bili.
"Bakit pala ang aga mo?" tanong ko dito habang kumakain kami. Nilunok nuya muna ang kinakain niya bago ako sagutin.
" Tutulungan kitang ayusin 'tong place mo at baka abutin ka ng one week bago matapos." tsk, tutulong na nga lang mang-aasar pa.
"Bakit? Yung iyo ba naayos mo na?" tumango naman siya.
" Oo, kahapon pa. Pagka-uwi natin ay yun agad ang ginawa ko." simple nitong sagot saken.
Eh di ikaw na, gusto ko sanang sabihin dito.
Si Tim lang ang tanging tao na kilala ko na hindi natutulog hanggat hindi tapos lahat ng dapat niyang gawin. Katulad niyan, kahit na pagod kaming dalawa dahil sa flight inuna niya paring ayusin ang bahay niya kesa matulog agad.
"Siya nga pala, mamili na din tayo ng school supplies, isabay na din nating mag-grocery para magkalaman na ang ref mo."
Speaking of school, may one week pa bago mag-start ang pasukan dito sa pilipinas. One week...ano naman kaya ang gagawin ko nun?
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang hindi tignan si Tim. Nakapantulog pa ito na suot. Mayaman si Tim, gwapo din at certified habulin ng mga babae. Pano ba namang hindi? Tall, white and handsome eh, mana kay tito. Half korean and half german din siya, idagdag mo na din ang maganda nitong katawan, the best example of a perfect man.
Pero bakit hanggang ngayon ay single siya? Actually, two years ago ay nakatakda kaming ikasal ni Tim, unfortunately I backed out cause that was also the same year that both of my parents died. I didn't handle the situation well and I became mentally unstable, physically, emotionally and spiritually. At si Tim ang isa sa mga taong nakakalapit at nakakausap saken, and I'm very grateful for him. At ngayon, ikakasal na siya sa iba. Well, I'm happy to that since friends lang talaga ang turing ko sa kaniya.
" Bakit?" hm? Ays! Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kaniya.
"Ah, w-wala may naalala lang ako." pagdadahilan ko.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Novela JuvenilVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
