VAN's
PINAPATAWAG na naman ako ni papa. Ayokong pumunta pero wala akong choice.
Pina-diretso ako sa office niya sa bahay nito. Umiinom siya ng alak nang pumasok ako. Kaagad niya itong ibinaba nang makita niyang ako ang pumasok. Matalim at masama ang pagkakatitig nito saken.
"Umupo ka Van." ginawa ko ang sinabi niya at umupo sa upuan na katapat ng table niya.
" Alam mo bang ang desisyong padalos-dalos...kalimitan, dumadaus-dos pababa." Sabi pa nito saka tumawa na parang may nakakatawa sa sinabi niya.
"Hulaan mo kung sino ang nagsabi nun?" inubos nito ang laman sa glass niya saka muling nagsalin.
" H-hindi ko kilala." Pag-amin ko.
"Kilala mo siya, mukha ngang close ka sa kaniya eh."
Parang may kung anong pumitik saken nang sabihin niyang kilala ko ang taong tinutukoy niya.
"S-si—"
"Tama! Ang girlfriend mong napakagaling...kung mag-salita ang isang yun akala mo ang haba-haba na ng nalakbay niya sa mundong 'to. Pathetic!"
Hindi ko mapigilang hindi lalong magalit sa kaniya. Hindi niya kilala si Quine para pagsalitaan niya ng ganon.
Ang taas na talaga ng tingin niya sa sarili niya.
" Hindi ang batang yun ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. Pinaghirapan ko kung nasa-saan ako ngayon, tapos kung magsalita siya? Para bang utang na loob ko ang lahat sa pamilya niya! De putang babae!" Sabi pa nito saken. Dahilan para hindi na ako nakapagpigil pa.
" Hindi niyo siya kilala Pa!" Malakas nitong binagsak ang baso sa mesa niya.
" At bakit ikaw? Kilala mo ba talaga siya?" Inaamin kong natameme ako sa tanong niyang yun.
Wala ni isa samen ang nakakakilala sa kaniya, kaya wala kaming karapatan para husgahan siya at pagsalitaan ng masama!
"Ilang buwan na ba kayo? Apat? Lima? Anim? ...bakit? Ano bang tingin mo sa sarili mo ha? Isa ka lang walang kwentang nilalang na pilit sinusungkit ang napakataas pero walang kwentang bituin... Hihiwalayan ka din niya! Akala mo ba ka-pantay ka niya? Hindi! Kasing-yaman niya ang pakakasalan niyang lalake at sa ginagawa mo ngayon? Hindi ikaw yun!"
Kung hindi ko pa mararamdaman ang sakit ng mga kukong bumabon sa palad ko, hindi ko malalamang kanina pa pala nakakuyom ang kamay ko.
Sino ba siya para hulaan ang hinaharap namin ni Quine?
"A week from now, sasama ka saken sa business trips ko. Mangongolekta tayo ng investors. Isasama kita para makapag-isip naman ng tama ang girlfriend mo." Kaagad akong nagulat sa huli nitng sinabi.
Business trip? At ilang araw naman kaya?
Hindi ko namalayang tumayo na pala si papa. Naglakad ito papunta sa may likod ko saka yumuko at may binulong saken.
" Ito ang tatandaan mo Van. Kung gusto mo siya at ayaw mo siyang mawala sayo... tutulungan mo ako. Dahil ang prinsesa, sa totoong buhay hindi nagpapakasal sa hampaslupa." Mariin nitong sabi sa may tenga ko.
Gustuhin ko mang hindi magpa-apekto sa mga sinasabi ni papa, hindi ko magawa.
Ayokong sabihing tama siya pero...masyadong mataas ang kinalalagyan ni Quine kumpara saken. Kapag bumalik siya sa Australia... Hindi ko alam kung ano na ang mangyayare samen o kung may kami pa ba sa panahong yun.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Ficção AdolescenteVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
