VAN's
"SHE just needs some rest," sabi saken ng doctor matapos nitong i-check ang vitals ni Quine.
"Thank you doc," paalam ko dito.
Pagka-alis niya ay pabagsak kong nai-upo ang sarili sa upuan katabi ng kama ni Quine.
Tinawagan ko kanina si Dale na siyang guardian niya para ipaalam ang nangyare dito. Kaagad naman itong dumating na naka-suot pa ng red na bathrobe at naka-pantulog pa.
Matapos makitang okay si Quine ay umalis muna ito saglit para mag-palit ng mas matinong damit kaya ako muna ang nagbabantay sa kaniya.
Ilang oras na din siyang walang malay. Ramdam ko na ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko, umaga na at wala parin akong tulog. Pero ayos lang, kailangan ko siyang bantayan.
Kailangan kong ayusin 'to. Sabi ko pa sa sarili ko habang nakatitig sa natutulog na si Quine.
Alam kong hindi ko kakayaning iwan niya ako. Hindi ko na alam kung pano mabuhay na wala siya...hindi ko kaya.
She's the best thing I've ever had...she's all I have...she's all I want...I need her.
Natatakot ako...sobrang natatakot. Pano kung ayaw na niya talaga?
Hindi. Mahal niya ako. Hindi niya ako iiwan. Mag-uusap kami, kailangan. Tapos...mag-aayos kami.
Ilang minuto pa ang lumipas at muli nang bumalik si Dale. May kasama itong ilang mga tao na naka-itim na suit na siyang nag-lapag ng ilang paper bag sa small living room sa loob ng hospital room ni Quine.
"I brought some foods here, join me Van." Kung alam niya lang ang ginawa ko kay Quine? Sigurado akong maski ang makita si Quine ay pagbabawalan niya ako. Pero nagugutom na din ako kaya wala akong nagawa kundi ang sabayan itong kumain.
Tahimik kaming kumain ni Dale. Sa kalkulasyon ko nasa 30-35 na ng edad ni ito, mukha siyang bata at talagang kagalang-galang kung manamit, maliban nung makita ko siyang naka-pantulog pa. Meron din siyang aura na gaya ng kay Quine, magaan.
Konti lang ang nakaya kong kainin. Sapat lang para magkalaman man lang ang sikmura ko. Ang mas nananaig kase saken ngayon ay ang takot.
Natatakot ako sa kung ano man ang mangyayari samen ni Quine kapag gumising na siya.
Masakit ang mga salitang sinabi niya saken...sa dinami-rami ng mga taong nagsabi na saken ng masasakit na salita? Sa kaniya ang pinaka matalim sa lahat.
But I deserve it. Sinaktan ko siya, nag-sinungaling ako. Pero sana...sana makapag-paliwanag man lang ako sa kaniya.
I don't want to lose her. I can't lose her.
Umuwi ako saglit para maligo at makapagpalit na din ng malinis na damit. Namumula parin hanggang ngayon ang kaliwang pisngi ko sa dami ng sampal na natamo ko.
Pagkabalik ko sa hospital ay sumaglit ako ng tulog sa upuan sa tabi ng kama ni Quine habang hawak-hawak ang kamay nito.
Ayokong isipin na baka ito na ang huling beses na mahahawakan ko ang kamay niya...hindi ko kaya.
Bigla akong nagising nang maramdaman ang paggalaw ng kamay na hawak ko. Kaagad akong napatayo at pinatawag ng doctor ang mga tauhan ni Dale na nasa labas ng kwarto ni Quine.
Pagbalik ko sa tabi nito ay nakadilat na siya... Sa sobrang tuwa ko ay muli kong hinawakan ang kamay nito at marahang pinisil, saka iyon inilapit sa labi ko para sana halikan pero... Bigla niya din iyong hinila...kasabay ng agad na pag-iwas ng tingin saken.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Novela JuvenilVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
