II

523 29 4
                                    


VAN's

PINANOOD ko si Quine hanggang sa makasakay ito sa kotse niya at paandarin iyon, hanggang sa hindi ko na ito makita pa.

...kase hindi magandang tingnan...

Muli ko na namang naalala ang sinabing yun ni Quine.
Tama nga naman siya, ikakasal na siya at hindi magandang tignan kung nakikipag-kita pa siya sa gaya ko.

At heto na naman ako. Kahit anong pagtingala ang gawin ko, bumabagsak parin ang mga luha mula sa mata ko.

Napakaraming bagay na gusto kong sabihin sa kaniya kanina, pero imbes na gawin yun. Gumawa ako isang kwento.

Mama, patawa ka Van. Ni hindi mo nga alam kung nasan na siya ngayon eh.

Habang mabagal na tinatahak ang hagdan paakyat ng apartment ko ay muli ko na namang naalala ang itsura ng kamay ni Quine kanina...yung bakas ng singsing sa ring finger niya. Hindi man iyon masyadong pansin, nakita ko parin.

Singsing ko dati ang nakalagay doon...at ngayon...may bago nang ilalagay doon.

Pagkabalik ko sa apartment ko ay kaagad akong uminom ng pills ko. Kapag sobrang nalulungkot ako, malaki ang tulong na ginagawa nila.

At dahil hindi na naman ako makatulog, pinilit ko na lang na tapusin na ang ginagawa ko. Cookbook iyon, laman lahat ng recipes ng mga pagkain na niluto ko noon kay Quine at ilang mga niluto ko para sa kaniya kamakailan lang.

Nagpasa na din ako ng resignation letter sa kompanya nila at itong cookbook na 'to ang huling bagay na ibibigay ko sa kaniya.

Para sa tuwing namimiss niya ang luto ko...hindi ko na kailangan pang mag-alala.

Alam kong imposible ang nasa isip ko. Gusto ko kase sanang hilingin sa kaniya na maging magkaibigan man lang kami. Kaso...alam kong tatanggihan niya yun.

Wala na akong iba pang naiisip gawin.

Hindi ko kaya... Hindi ko kayang makita siya sa piling iba. Isipin ko pa lang na magkakaroon sila ng mga anak...ng masayang pamilya...parang unti-unti na nung binubutas ang puso ko sa sakit.

I loved her so much, and I hurt her... But that doesn't mean I'm not hurting too.

Kina-umagahan din ay dumaan ako sa office niya para personal sanang ibigay yung cookbook.

I know I'm being selfish again. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Huli na 'to. Sabi ko pa sa sarili ko.

I just wanted to see her one more time.

"Sir sorry but Ms. Quine is still on a meeting." Sabi nung secretary nito saken.

Desidido akong ibigay sa kaniya yung dala ko in person kaya nag-decide akong mag-hintay sa labas ng company. Kung saan makikita ko agad ang pagdating niya.

Inabot na ako ng gabi sa paghihintay sa pagdating ni Quine.

Kaagad akong tumayo para sana salubungin ito sa pagbaba pero agad din akong natigilan nang makita ang lalakeng unang bumaba sa kotse nito.

Matangkad, mukhang may ibubuga. Pagkababa sa kotse ay agad din silang nag-usap na dalawa, habang yung lalake naman ay todo alalay kay Quine...na para bang,

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now