(II)

538 26 12
                                    

QUINE's

AFTER kong mag-stretching paglabas ng kotse ay patakbo na akong lumapit kay Van.

Kahit na tinatamad talaga ako ngayon, wala din akong choice kundi sumama sa kaniya, lalo pa't um-oo ako.

"Tara." yaya ko dito pagkalapit ko.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang higitin niya bigla ang kamay ko. May parang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang balat niya saken.

Ano yun?
Naramdaman niya kaya yun? Para yung electric shock at sobrang bilis.

" S-Saglit, yung sintas mo." nguso nito sa may paanan ko.

"A-Ah." sabi ko pagkakita ko sa isa sa mga sintas kong nakatanggal na. Yumuko ako para ayusin yun pero yumuko din si Van dahilan para magka-untugan kami.

"sorry" halos sabay naming sabi sa isa't-isa.

Nang mag-angat ako ng tingin ay sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't-isa.
Napapansin ko ang paglipat-lipat ng tingin niya sa mata ko at sa labi ko. Sa mga movies kapag ganito ang nangyayari...nauuwi sa...

Bago pa man mangyari ang nasa isip ko ay dali-dali na akong tumayo. Nanatili naman si Van na nakayuko at siyang nagbuhol pabalik sa sintas ko.

Habang itinatali niya iyon ay ramdam ko parin ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.

Napapadalas na 'to ah...sabi ko pa sa sariliko.

" Tara na." siya namang yaya nito pagkatapos.

Sumunod ako kay Van sa paglalakad habang tinitignan ang paligid.
Gawa sa sa marmol ang lahat ng mga lapida. Nagkakaiba lang sa disenyo, yung iba may mga rebultong anghel pa sa itaas at yung iba naman ay may krus.
Puno ng damo ang paligid, kahit na mainit ang panahon ay berdeng-berde parin sila. Naka- linya ang bawat gravestone, at walang magkakapatong. Malinis tignan ang paligid para iyong soldier's grave cemetery.

Hindi ko napansin ang pagtigil ni Van sa paglakad. Tuloy nabangga ko ang likod niya.

Tumigil kami sa tapat ng gravestone, tinignan ko ang pangalan na nakalagay doon.
Venice Erile Eleasar, ang pangalan na naka-ukit sa slab.

Mukhang dito na nakalibing ang kapatid niya, sabi ko sa isip ko.

Ibinaba ni Van ang bagpack na kanina niya pa suot-suot.
Lumuhod siya nang maibaba  iyon saka binuksan ang zipper nito. Maya-maya lang ay naglabas siya ng trowel at... gloves?

Maghuhukay ba siya?

Tahimik lang akong nakatayo sa bandang gilid niya habang pinapanood siya.

Matapos niyang maisuot ang gloves sa dalawang kamay ay nag-umpisa na siyang maghukay sa tapat ng mismong gravestone. Akala ko ay basta lang siya nag-huhukay doon, pero nang tumigil ito ay napansin kong may dinukot siya mula sa hinukay niya.
Nakabalot sa plastic bag yung bagay na kinuha niya sa hukay.  Tinanggal niya sa plasctic ang isang black wooden box, walang naka-ukit sa paligid nito, isang simpleng black box.

Inilapag ni Van yung box atsaka tinanggal ang gloves sa kamay niya. Pagkatapos ay muli niyang kinuha ang bag niya at parang may hinanap doon. Maya-maya pa ay naglabas  siya ng isang black envelope mula sa bag.

Bakit black lahat? Takang tanong ko sa isip ko.

"Every time na nagpupunta ako dito hindi ako nagdadala ng bulaklak. Instead, I wrote letters containing stories. Isinusulat ko sa mga letter na 'to ang mga nangyari saken, usually memorable things. " paliwanag niya saken. Hindi ako nag-salita at patuloy lang siyang pinanood.

Nang buksan na niya ang box ay dito ko na nakita yung mga old letters niya. Marami-rami na din ang mga iyon at magkaka-patong na naka-compile sa loob. Ipinatong niya sa pinaka-taas yung envelope na dala-dala niya, atsaka niya isinara ang box at ibinalik sa plastic na nagsisilbing balot nito. Pagkatapos ay ibinalik na niya ito sa hukay at tinabunan na ulit ng lupa.

Ngayon pa lamang ako nakilala ng tao na letters ang binibigay sa patay instead of flowers. Masyado siyang ma-effort, pinapakita lang nun na mahalaga talaga sa kaniya ang kapatid niya.

Bigla ko tuloy naalala ang puntod ng pamilya ko. Magkakasama silang nakalibing sa loob ng isang mausoleum. Nung huling bisita ko sa kanila, sinabi ko na hindi ako dadalaw ulit doon hanggat hindi ko pa naayos ang sarili ko.

Matapos iligpit ni Van ang nga ginamit ay saka ito naupo sa tapat ng lapida ng kapatid niya. Umupo din ako malapit sa kaniya.

Binalot kami ng katahimikan, tanging huni lang ng ibon sa di kalayuan ang naririnig ko. Sobrang payapa din ng paligid, yun nga lang... Nasa sementeryo parin kami.

" Ate? " pagbasag ni Van sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nang lingunin ko siya ay nakatingin ito sa lapida ng ate niya at malungkot ang mga mata.

"Sorry kung ngayon lang ulit ako dumalaw sayo. Siya nga pala, may kasama akong kaibigan, si Quine. Quine, ang ate ko. " nag-bow ako sa harapan ng grave ng ate niya. Sanay na akong magsalita sa harap ng gravestone, animo'y buhay ang kinakausap.

Araw-araw ko din iyong ginawa nang mamatay ang parents ko. Kaso...ang weird pala pag sa iba na.

" Hello, A-Ako si Quine. " pakilala ko sa sarili ko.

Teka...tinawag ba niya akong kaibigan kanina?

Wala pa akong masyadong alam kay Van, hindi, wala talaga akong alam tungkol sa kaniya. Kaya nga hindi ako sigurado kung bakit niya ako sinama dito...kung bakit ako pa ang sinama niya.

" My sister died four years ago due to a stage four pancreatic cancer. Walang sino man saamin ang nakapansin na may sakit na pala siya. Siya ang pinakamadaldal sa pamilya namin, actually... Siya lang ata ang madaldal samen." kunyari pa itong tumawa.

"After she died, my parents filed a divorced papers. To be honest I was very thankful na divorce na sila. Palagi kasing sinasaktan ni papa si mama. Hindi ko rin alam kung bakit hindi man lang lumaban si mama o magsampa ng kaso kay papa."

Gusto ko din sanang sabihin sa kaniya na maski ako nagtataka sa mga taong gaya ng mama niya. Kailanman hindi matatawag na love ang pananakit ng isang tao. At hindi rin matatawag na love kapag hinayaan mo ang asawa mo na saktan ka. Tingin ko sa mga taong yun ay may sira sa ulo at masyadong takot. Hindi pag-ibig bumubulag sa kanila, sila mismo.

" Totoo pala talaga yung mamimiss mo lang yung isang tao kapag wala na sila no? Nung nawala kase si ate? Napaisip ako na sana pala gumawa ako ng paraan para mas maging close kami... I should've spent more time with her. I should've been that brother she can lean on... And I hate the fact that I can't do those things anymore." After he said those words, tears starts to travel down his face.

He hugs his knees on his chest, then fake a smile after.
I scoot closer to him then gently tap his shoulder.

Hindi ako makapaniwalang pangalawang beses na 'tong umiyak siya kasama ko. Pakiramdam ko tuloy mas malungkot ang buhay niya kesa saken. Na parang walang pantapat ang mga naranasan ko sa mga naranasan niya.

"It reall hurts, you know." he mumbled after.

" I know." I said.
I could feel his eyes on me, when I turned my face to him one of his eyebrow's slightly raised.

"My parent's died two years ago, and month before that my grandfather passed away. Then weeks after my parent's funeral my dog died for no reason. He's healthy... said the doctors that checked his body." I tell him then plastered a smile on my face.

" You don't look like someone who just lost her family." hindi ko alam kung insulto ba ang sinabi niya o papuri. But I'll just take it as a compliment.

"At the end of the day, time won't stop itself just because you're sad. You know you have to get your shit together before your life became shitty."  I tell him.

I know one of this days I needed to get my shit together. I must be fine, not because I want to but because I need to. I have duties my family left for me.

Sa ngayon ang buhay kong ito...parang bakasyon lang saken.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now