VAN's
" Ikaw nga dapat gumanti ka eh!..."
"Hindi ka naman knight in shining armor para ipagtanggol ako..."
Paulit-ulit kong naalala yung sinabing yun ni Quine. Gusto kong gumanti. Pero kasama ko siya kanina, at kung gaganti man ako hindi dito sa loob ng school at baka makarating pa sa papa ko, baka ipatawag pa niya ako at pag-initan na naman ng pamilya niya.
Well, kahit naman wala akong gawin pag-iinitan nila ako. Wala nang bago dun. Ang hirap lang dahil hindi ko alam kung saan na ilalagay ang sarili ko. Hindi ko rin alam kung may paglalagyan pa ba ako o wala na.
"Andito na tayo." bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Quine. Buong araw ata akong lutang. Sayang at maganda pa naman ang gising ko kanina tapos mauuwi lang sa ganito.
" Salamat." sabi ko kay Quine bago tuluyang bumaba sa kotse niya. Mabuti na lang talaga at naisipan kong sumabay na lang sa kaniya. Kung hindi nakikipagsiksikan pa ako ngayon sa mga pasahero sa tren. At buti rin pumayag siya. Akala ko pa nga ay pagpipilitan pa niya saken yung alok niyang pera pang taxi.
Siguro napaka yaman ng pamilya niya. Masaya kaya sila? Siya? Para kaseng hindi... Yung mata niya kase kahit na gaano kalaki ang ngiti sa labi niya habang kinakausap yung Alec at Kary, kitang-kita ko ang lungkot sa mga yun. O pwede rin na imagination ko lang yun.
Nagtuloy-tuloy ang paghatid-sundo saken ni Quine. Nag-eenjoy ako kapag nasa loob ako ng kotse niya. Minsan classical music ang pinapatugtog niya. Minsan naman instrumental o kaya malungkot na piano.
Nakakakalma din ang lavender scent sa loob ng kotse nito. May halo din iyong amoy ng gamit niyang pabango.
Hmm, nakakasanayan ng ng ilong ko ang gamit niyang pabango.
Hindi iyon sweet scent gaya ng hilig gamitin ng mga babae ngayon. Meron iyong matapang na amoy pero hindi maskait sa ilong...actually, nakakakalma ang amoy nun.
FRIDAY.
Maaga akong nagising at inaabangan na ang text ni Quine. Pero bago pa man iyon dumating ay nakatanggap na ako ng text mula sa papa ko. Agad na kumabog ng mabilis ang puso ko, kasabay nun ang pagbigat ng pakiramdam ko.
I immediately composed a message to Quine. Sinabi ko sa kaniyang may importante akong pupuntahan kaya wag na niya akong puntahan. May kung ano akong naramdaman sa loob ko nang maisip na hindi ko siya makikita ngayon at makakasabay pumasok. Pero hindi ko ma-identify kung lungkot ba iyon o panghihinayang?
Matapos kong magbihis ng white shirt at black na pants ay nag-commute na ako papunta sa bahay ng pamilya ni papa.
Mayaman ang pamilya ng babaeng napangasawa niya after nitong i-divorce ang mama ko. Maganda kahit na medyo matanda na yung babae. Yung anak naman nito ay mukhang sperm na may kamay at paa. Mas matangkad ako sa kaniya pero mas payat siya saken, Markian ang pangalan niya. At gaya ng nanay niyang si René at lolo niyang si Frier, lahat sila masasama ang ugali.
Kung hindi lang talaga isang successful businessman si papa ngayon, baka nasa malayong lugar na ako. Kahit saan kase ako magpunta ay nahahanap niya ako at binabantayan. Sinisigurado niyang wala akong gagawing makakasira sa pangalan niya.
Pero lahat naman ng ginagawa ko ay nakakasira sa kaniya. Minsan nga natututo na lang akong masanay sa lahat ng nangyayari.
Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong sinalubong ni Luther, kanang kamay ni papa.
"Hinihintay ka na niya sa office niya." sabi pa nito saken. Hindi ako sumagot at nagdire-diretso na lang, paakyat sa mataas na hagdanan, pakaliwa sa isa pang mataas na hagdanan. Bumungad saken ang malawak na hallway, sa dulo nun ay may doble-doors na siyang pintuan ng office ni papa.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
