VAN's
"HOY! Hijo, kailan mo ba babayaran yang renta mo nung nakaraang buwan? " salubong agad saken nung landlord ko.
Hayss, nakakainis naman, maganda na ang araw ko eh, bakit kailangan pa niyang magpakita at sirain yun?
Kahit na gusto ko na siyang sapakin ay pilit na nginitian ko na lang ito.
" Sir, this week po. Hindi pa po kase ako nakaka-withdraw ng pera eh. Pero promise! This week ko na po ako magbabayad." sabi ko sa kaniya sabay taas ng kamay ko.
"Aish! Sige sige, kung hindi ka lang gwapong bata ka eh!"
" Sige, ho. Papasok na po ako sa loob." paalam ko agad dito at baka sa kung saan pa mapunta ang sinasabi niya.
Lalake ang landlord ko pero medyo pusong babae. At hindi naman sa nag-a-assume ako o ano pero, ramdam ko na may gusto ito saken.
Mabuti na lang talaga at hindi nagka-abirya sa stasyon kanina at mabilis lang ang naging biyahe kahit mahaba ang pila.
Wala talaga akong dinaanan, dahilan ko lang yun kanina para maiwan ko na agad sina Quine.
Hindi sa hindi ko sila gusto, actually, gustong-gusto ko silang dalawa kahit na bago pa lang kaming magkakilala. Ang kaso lang...nararamdaman ko kanina na parang kailangan ko nang umalis para bigyan silang dalawa ng oras.
Pagkapasok ko sa apartment ko ay sinalubong agad ako ng mga kalat sa sahig. Kung ikukumpara ang apartment ko sa apartment ni Quine, wala sa kalingkingin ng lugar niya ang bahay ko.
Mas maliit ang apartment ko kesa sa kaniya, Wala rin akong malinis na kusina na parang mismong alikabok mahihiyang dumapo dun. Yung akin puno pa ng hugasin. Mini ref rin lang ang meron ako, parang 1/4 lang yun ng double door ref niya. Yung banyo ko, may shower din naman pero hindi kasing ganda nung sa kaniya.
Wala din akong T.V at sofa na sobrang lambot, sahig lang ang meron ako. Pero may komportable naman akong kama, at okay na ako sa ganun.
Matapos kong magpalit ng pambahay ay sinimulan ko nang linisin ang apartment ko. Niligpit ko muna yung mga libro na nasa lapag.
Mahilig akong magbasa ng novels, usually english novels at bihira lang sa locals. Namana ko ang hilig sa pagbabasa sa mama ko. Bukod sa pagiging painter, writer din siya, ghost writer ng mga sikat na tao na hindi naman talaga magaling magsulat.
Matapos kong iligpit lahat ng kalat sa sahig ay sinimulan ko namang hugasan na ang mga nasa lababo. Hindi ko alam kung ilang araw na silang nakatambak dito pero sobrang naninigas na ang mga tira-tirang pagkain na andun. Kaya naman ibinabad ko muna sila sa tubig. Saka ko sinunod ang paglagay ng lahat ng labahin ko sa basket para ipa-laundry. Matapos kong mahakot lahat ng labahin ko ay bumaba na ako sa laundry shop na nasa tapat lang ng building namin.
" Bukas ko ng hapon kukunin. " bilin ko dun sa taong nagbabantay sa may shop.
" Sige lang pogi, kung gusto mo pwede ding i-special delivery ko yan sa bahay mo." nang-aakit pa nitong sabi saken. Nagpeke na lang ako ng tawa.
"Huwag na, ako na lang kukuha bukas." sabi ko na lang saka tumalikod bago pa siya makapagsalita.
Pagkabalik ko sa apartment ay inayos ko ang kama ko at nag-spray din ng air freshener sa electric fan para mawala kahit papano yung kulob na amoy, atsaka na ako nag-tungo ulit sa kusina at hinugasan na ang mga pinggan at lutuan.
" Sa wakas! Natapos din!", sobrang sarap sa pakiramdam makitang malinis ang bahay.
10:30 na sa wallclock ko.
Naglakad ako papunta sa mini ref ko para kumuha ng beer nang mahagip ng mata ko ang kalendaryo at makita ang date na may pulang bilog.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Fiksi RemajaVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
