VAN's
NANG matapos mag-lunch ay aakyat na sana ako sa room nang bigla na lang akong tawagan ni Avi.
" Bakit?" hindi ko itinago ang inis sa boses ko.
"Mag-usap tayo." seryoso ang tono nito.
At ano namang pag-uusapan namin? Hindi ba talaga niya ma-gets na ayoko na sa kaniya?
" Ayoko. May klase ako." ibaba ko na sana ang tawag nang magsalita ulit siya.
"Kapag hindi ka nag-punta dito sa rooftop... Tatalon ako. " mariin akong napapikit sa inis sa kaniya.
Nababaliw na talaga siya.
" Aantayin kita dito. " aniya saka nito pinutol ang tawag.
Napasabunot na lang ako sa sarili ko.
Agad na akong umakyat sa rooftop na sinabi niya. Isang building lang naman ang may rooftop dito sa school.
Nakasandal si Avi sa may railings habang magka-krus ang mga braso sa bandang dibdib.
" Anong pag-uusapan natin?" walang gana kong tanong dito.
"Gusto mo ba ang babaeng yun?"
" Sinong babae?" agad kong tanong dito.
"Kunwari ka pang hindi mo alam. Yung babaeng kasama mo kanina pagpasok dito. Kayo na ba ha? Ano Van? Kayo na no?" kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
Dito ako mas naiinis eh. Masyado siyang madrama. Siya naman ang nag-loko samen pero parang siya pa yung biktima.
"Pwede ba Avi? Tumigil ka na. Magtira ka naman kahit konting dignidad para sa sarili mo."
Bigla nito akong hinawakan sa may braso.
" Van... I love you. Please, let's just forget about it. Let's start again... I'll do anything Van, please." Pagmamakaawa pa nito habang patuloy sa pag-agos ang luha sa pisngi niya.
Kung dati naawa ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Ngayon? Naiinis na ako.
"Stop saying I love you, can you? Cause if you really love me? Hindi ka na magsasayang pa ng oras tumingin at tabihan sa kama ang ibang lalake...tumigil ka na Avi."
"L-lasing ako non, okay? Bakit ba ayaw mong maniwala?" Padabog kong hinatak ang braso mula sa kaniya.
"Kase ayoko. Ayoko na sayo okay? Kaya tama na!"
Ano ba sa 'ayoko na' ang hindi niya maintindihan? Nakakapagod nang magpa-ulit-ulit sa kaniya. Bwiset.
Patakbo itong umalis sa may rooftop.Dinig ko pa ang malakas na pagsara ng pintuan sa likod ko.
Nanatili pa ako ng ilang minuto sa rooftop pagkatapos ni Avi umalis. Sigurado akong may professor na kami ngayon kaya naman napagdesisyunan ko na lang na hindi na pumasok.
Umupo ako sa sahig at sumadal sa may railings. Nakakakalma ang malakas na simoy ng hangin.
Bakit kaya kailangan pang magtagpo ang dalawang tao na hindi naman para sa isa't-isa? Tuloy nasasaktan pa sila.
Masaya naman kami ni Avi. Trip ko ang mga hilig niya; nung una. Gaya ng pagpunta sa mga nightclubs, pamamasyal twing hating gabi at pagpunta sa malalayong lugar. Sweet siya, caring din at cute magselos.
I did love Avi. If it was love, though. I valued her the way she deserves it. I didn't force her to have sex with me or put drugs on her drink to rape her. I didn't do that, she'd given me consent willingly.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
