VAN's
I HAVEN'T had a good sleep this past few days. I still don't want to show up to Quine.
Our last conversation's been playing inside my head lately. I think I've gone to far and shouted at her. Masyado lang talaga akong nadala ng galit ko.
She shouldn't have done that. Private life ko yun...bakit kailangan pa niyang paimbestigahan? Bakit hindi siya nag-hintay na maging ready ako para sabihin yun sa kaniya?
Pero kahit anong galit o inis man ang maramdaman ko...yung puso ko, nakiki-usap na ito saken.
Lutang akong naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada. Masyado na din kase akong naburyong sa apartment ko kaya naisipan kong maglakad-lakad muna.
"Oy Van!" si Mike, kumakaway ito saken sa kabilang bahagi ng kalsada. Kumaway din ako pabalik.
Nang mag-red na ang traffic light ay dali-dali itong tumawid papunta saken, kasunod ang ilan pang tao.
"A-Anong ginagawa niyo dito?" Agad kong tanong sa kanila.
May mga dala silang plastic bag ng iba pa niyang kasamang lalake, may mga kasama din silang babae na hindi pamilyar ang mukha saken.
" May dinaan lang kami dito. Ikaw? Bat ka naglalakad dito mag-isa?"
"Ah, pabalik na ako sa apartment ko." sabay turo sa direksyon ng apartment ko.
" Ah, Siya nga pala baka gusto mong sumama samen?"
Kahit na alam ko na kung saan ang punta nina Mike ay nag-tanong parin ako dito.
"Saan?" Agad itong ngumisi, agad ding kuminang ang gold at diamond sa may pangil niya.
" San pa? Eh di sa bahay ko. Mag-iinom kami. Ano?" Sabi pa nito sabay suntok ng mahina sa may tiyan ko. Wala din naman akong gagawin ngayon kaya nag-desisyon na lang akong sumama sa kanila.
Hindi pa man kami nakakalahati ng case nang dumating ang iba pang mga bisita ni Mike. Wala namang okasyon ngayon, sadyang si Mike lang talaga yung tipo ng tao na kapag naisipang mag-painom kung sino-sino ang iimbitahin.
"Hey there Van," sa tono palang ng boses ng tumawag saken, kahit hindi lumingon ay alam ko na agad kung kanino galing yun.
" Oy Avery! Buhay ka pa pala?" Agad na asar dito ni Mike na siya namang tinawanan lang niya.
Nagpatuloy lang ako sa pag-tungga ng baso ko nang bigla na lang itong umupo sa armrest ng inuupuan ko. Sa sobrang tapang ng pabango niya gusto ko siyang itulak palayo saken.
Hindi gaya ng amoy ni Quine. Kahit araw-araw ko siyang naaamoy, hindi parin ako nag-sasawa. The same scent, the same unknown feeling it bring's to me. The thought of her scent makes me miss her more.
"Kamusta na pala kayo ng bago mo? I heard hindi ka din daw pumasok nung nakaraan?" Tanong pa nito saken. Bahagya akong umabante ng upo nang maramdaman ko ang mga kamay nito sa may balikat ko.
Wala akong balak sagutin siya kaya nag-kunwari na lang akong walang narinig saka muling nag-salin ng alak sa baso ko.
" Girlfriend? Alin, yung rich chicks ba na nakabunggo sayo Van?" si Mike.
"Nakabunggo?" Agad ding tanong naman ni Avery sa kung sino. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na sa pag-inom. Wala akong balak ibahagi ang parte ng buhay ko kasama si Quine sa kanila. I don't like sharing my treasures.
" Bakit? Hindi mo ba kilala yung babaeng bumunggo sa kaniya? Inuutusan pa nga ng papa niya yan si Van na dikitan yun eh." shit!
Malakas kong ibinagsak ang baso ko sa mesa, dahilan para sabay-sabay din silang matahimik.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
