VAN's
WE drop by the nearest mini store to by some canned beers. Nasa mood talaga ako ngayon para uminom. At nasa mood din ako para pilitin si Quine na samahan ako. Mabuti na lang talaga at napilit ko siya.
Mas nagugustuhan ko na talaga siya ngayon, kahit na halata namang gustong-gusto na talaga niyang umuwi, konting pilit ko lang at pumayag na siya.
Tingin ko nga...pumapayag na siya agad dahil alam niyang hindi talaga ako nagpapatalo.
Hindi ko napigilang hindi ngumiti nang maalala ko yung ginawa niya kanina. Tsk. Kunyari pa talaga siyang may tinatawagan para lang makaalis sa lugar na yun.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
Aish, Napansin niya pala ako." M-May naalala lang ako." Pagdadahilan ko sa kaniya.
Makalipas ang ilang minuto ay narating din namin ang lugar na sinabi ko kay Quine. Pagkatapos kong mag-park ng kotse ay agad itong lumabas at sinuyod ang paligid.
"Anong ginagawa natin sa tapat ng saradong amusement park?" Takang tanong nito. Kaagad akong ngumiti sa kaniya.
"May lugar ako dito na tinatambayan kapag nabuburyong na ako sa mundo."
"At pano naman tayo papasok diyan? At isa pa, hindi ba yan kasama sa most haunted place on earth?" agad akong natawa sa sinabi niya.
" Haunted? Mas nakakatakot ka pa nga diyan pag galit eh." natatawa ko pang asar dito. Pero agad din akong natigil nang makita ang seryoso niyang mukha.
Hindi man lang mabiro?"Sorry."
"I'll take that as a compliment... Ngayon, pano naman tayo papasok aber?"
"Aakyat." I obviously tell her.
" Aakyat?.. H-Hindi mo ba nakikitang naka-dress ako?"
Tsk, alam ko naman.
Naglakad ako papunta dun sa pader na nakapalibot sa buong park. Saka ako lumuhod at bahagyang iyinuko ang katawan.
"Pumatong ka sa likod ko para makaakyat."
"Seryoso ka ba diyan?" hindi ko alam kung naiinis ba siya o hindi makapaniwalang pinapagamit ko ang likod ko bilang patungan niya.
" Oo. Don't worry hindi kita sisilipan. Dali na." dinig ko pa ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga.
"Bahala ka, binalaan kita." aniya saka naglakad palapit saken. Maya-maya pa ay hinubad na nito ang saptos saka ibinato sa kabilang bahagi ng pader.
" Wag kang gagalaw. Kapag ako nalaglag babaliin ko yang spinal cord mo." may diing banta pa nito saken. Kung hindi lang kasing ganda ng buwan ang mukha niya ngayon, matatakot talaga ako.
"Sige na." maya-maya pa ay ipinatong na nito ang isang paa sa likod ko, saka ito kumuha ng tiyempo para mabuhat ang sarili paakyat ng pader.
Mabuti na lang talaga at magaan-gaan siya.
Nang makaakyat na ito ay saka ako sumunod na umakyat dala-dala ang mga pinamili namin kanina.Hindi ganoon kataas ang pader para sa taong matangkad na gaya ko kaya madali lang akong naka-akyat dito.
Matagal nang hindi nagbubukas ang park na ito. Ang sabi nasa ibang bansa na daw ang may-ari. Noong bata pa ako, ilang beses din kaming pumunta dito ni Ate at mama, hindi kasama si papa dahil nung mga buwan ding yun tanda ko pang malala ang pag-iinom na ginagawa niya.
Madilim at tanging ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa park kung nasan kami. Talagang para na itong haunted... Pero hindi saken. Hindi sa taong gaya ko. Place like this is where I find comfort and peace.

YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Genç KurguVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...