CHAPTER 40

536 23 0
                                    

QUINE's

Nagising akong nasa hospital na ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang malamang ligtas din ang driver at secretary ko.

Dumaan muna ako sa napakaraming test para malamang okay talaga ako. Dale insisted it, kahit na sinabi ko na sa kaniyang okay ako.

Kailangan ko pang mag-stay sa hospital for two more days for my recovery. Ayos na din saken yun. I'll take it as my leave from all the papers and meetings na kailangan kong puntahan.

Masyadong boring sa kwarto ko kaya nag-desisyon akong lumabas muna para maglakad-lakad at magpahangin na din.

Kaliwa't-kanang puno at mga benches ang nakikita ko sa paligid. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa marating ko ang pathwalk. Sa magkabilang gilid nun ay mga sunflowers na pare-parehas nang nakayuko dahil wala nang araw. Para silang malulungkot na bulaklak.

Gaya ko din sila, mula nang mawala ang araw ko...para na din akong nalantang bulaklak.

Puno ng bituin ang langit ngayon pero walang buwan. Bigla akong mapait napangiti, sa tuwing titingala kase ako sa madilim na kalangitan, naalala ko yung shooting star na nakita ko noon kasama si Van.

Nakakainis lang dahil sa bawat bagay na ginagawa ko...palagi ko siyang naalala... Sa tuwing sasakay akong mag-isa sa kotse, parang palagi nang parang may kulang sa tabi ko. Sa tuwing magigising ako sa umaga, parang sobrang laki ng kama ko para saken. Sa tuwing kakain ako, parang walang lasa lahat ng natitikman ko.
Except tuwing kakain ako sa office. Himalang may na-hire kaming Filipino chef na magaling din magluto gaya ni Van.

Oo, nag-crave talaga ako sa mga pagkaing niluluto noon saken ni Van kaya nag-open kami for vacancies for filipino cook.

Ang kaso...wala talagang papantay sa kaniya dito sa puso ko. Pinaka special siya sa lahat.

Ano na kayang ginagawa niya? Minsan kaya...naisip niya din kung ano ano na ba ang ginagawa ko?

Nang maramdaman ko na ang pananakit ng mga paa ko ay tumalikod na ako saka naglakad pabalik sa direksyong tinahak ko kanina.

Pero agad din akong nahinto sa paglalakad. Maski ang taong nasa harap ko ay napatigil din gaya ko.

Parehas kaming gulat at hindi makapaniwala at itsura.

Ilang beses akong kumurap para masigurong siya nga ang nakikita ko at baka nagha-hallucinate lang ako. Pero siya...si Van talaga.

Kaso...b-bakit...parang i-iba na ang...itsura niya?

"V-Van?" Tawag ko sa pangalan niya.

Ang gulat niya ay unti-unting napalitan ng...ngiti, na hindi man lang umabot sa mga mata niya.

Nagtitigan lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, at si Van...nakikita kong wala siyang balak mag-salita.

Nang mahipan kami ng malamig na hangin ay doon ko lang naramdamang basa na pala ang pisngi ko. Kaagad ko iyong pinunasan gamit ang likod ng kamay ko. Saka ako dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya.

"A-Ano...Anong ginagawa m-mo dito?" Tanong ko pa dito. Ngumiti ito bago ako sagutin.

"M-May dinadalaw lang ako dito," Aniya.

Aaminin kong naisip ko na baka ako yun.
Oo, inisip ko din na baka...baka sinundan niya ako dito.

"Ah...g-ganon? S-sino?" Tanong ko pa sa kaniya.
Habang kinakausap siya ay hindi ko mapigilang hindi pagmasdan ang pagbabago sa itsura niya.

Pumayat siya at...sobrang payat talaga. Naging mas halata ang jawline niya, ang Adam's apple nito, tumangkad din siya at..nag-matured talaga siya ng sobra.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now