CHAPTER 26 (I)

494 28 2
                                        


QUINE's

Nakakailang oras pa lamang ako ng tulog nang magising ako sa walang tigil na pagtunog ng phone ko.

Nakapikit ko iyong kinapa sa may nighstand. Nang buksan ko ang mga mata ko ay bumungad agad saken ang pangalan ni Van sa may screen ng phone ko.

"Bakit?" inaantok kong tanong pagkasagot ko ng tawag.

"B-baka pwede mo akong puntahan ngayon,"

"Huh? Alam mo ba kung anong oras na Van?" Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko para tignan kung anong oras na. 12:45 ang sabi sa phone ko.

" It's almost 1:00 now Van, tapos gusto mo akong pumunta sa apartment mo?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. Pero agad din akong nakarinig ng mga boses sa kabilang linya, na para bang hindi nag-iisa si Van sa kung nasaan man siya.

"Wala ako sa apartment ko." Agad akong napaisip kung saang lupalok siya ng mundo sa ganitong oras?

" Asan ka?" Hindi ko napigilan ang sarili kong mainis dahil sa naantala kong tulog.

"D-Dito... Sa p-police station." napaupo ako sa kama ng wala sa oras sa narinig ko.

" Police station?!"

"Hm," Ini-imagine ko siyang tumatango nang sumagot ito.

" At bakit ka naman nandiyan?!" Ngayon talagang totoong naiinis na ako.

"Mahabang storya. Puntahan mo na ako, please?" Nagmamakaawa na ang boses nito.

Pagkababa ng tawag ay agad akong napahilamos sa mukha ko.

Hindi parin ako makapaniwala. Hindi pa sumisikat ang araw at nasa police station si Van?

Nagpalit ako ng damit at naghilamos din muna bago umalis. Wala na halos mga sasakyan sa kalsada kaya mabilis ang pagpapatakbo ko. Pero maingat parin at baka may mabunggo na naman ako nang wala sa oras.

Halos limang minuto lang ang tagal ng biyahe ko papuntang police station.

Pagkapasok ko ay kaagad akong nag-tungo sa information desk para magtanong. Kaagad naman nitong tinuro ang kanan ko. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay nakikita ko na sa bungad ang ilang mga lamesa na may mga computers.

Kaagad kong hinanap ang mukha ni Van sa loob. May kung sinong lalake ang kumaway saken. Hindi ko ito pinansin, pero agad din akong napalingon ulit dito nang marealize ko kung sino yun.

Dahil sa mga pasa niya ay muntik ko na siyang hindi makilala.

Nang makalapit ako kay Van ay kaagad nito akong nginitian, yung ngiting wala pa man akong sinasabi ay nagso-sorry na.

"Akala ko ba magulang mo ang tinawagan mo? Eh bakit girlfriend mo ang nandito hijo?" masungit na tanong kay Van nung matandang lalaki na nasa likod ng desk na kaharap ni Van.

"Mga kabataan nga ngayon eh, Ano? May magagawa ba yang girlfriend mo? Akala mo siguro hindi magsasampa ng kaso yang binugbog mo?"

Binugbog? Kaagad akong napalingon sa direksyong inginuso nung mamang police.

May dalawang lalake na naka-upo sa itim na sofa ang naandon. Parehas na may mga pasa sa mukha, mas malala pa kesa sa kay Van.

" Ah, sir. Ano po ba ang nangyare?" Mahinahon kong tanong dun sa lalake.

"Eh yang boyfriend mo nanggulo at nambubugbog sa isang bar... Pinapabayaran ng may-ari ng bar lahat ng nasira niya. Tapos yang mga binugbog niya puro menor pa! Kaya ang mga magulang ay gustong kasuhan siya!"

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now