VAN's
MONDAY.
Hindi ko na inabala pang i-text si Quine na sunduin ako ngayon. Balak ko na lang na mag-commute papasok kaya inagahan ko ang gising ko.
After kong mag-shower at mag-suot ng uniform ay sinunod ko na ang paghanda sa breakfast ko. Pagkatapos kumain ay sinunod ko naman ang pagsusuot ng sapatos, pagkatapos ay sinukbit ko na ang bag ko at umalis na.
Hayss, namimiss ko na si Jia.
Pangalan yun ng kotse ko. Kamusta na kaya siya? Halos isang linggo na pero wala parin akong balita sa kaniya mula kay Quine.
Palabas na ako ng building nang mamataan ko ang isang pamilyar na kotse sa tapat ng apartment building ko.
Hindi nga ako nagkamali, nang makita ko yung trident sa may hood ng kotse, alam ko na agad kung sino ang may-ari nun.
Nag-punta ako sa gilid ng driver's seat saka kinatok ang binatan nun. Heavily tinted kaya hindi ko makita ang loob.
Maya-maya lang ay unti-unti nang bumaba ang bintana ng kotse.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad kay Quine.
" A-Ano...S-sinusundo ka?" Bakit parang hindi pa siya sigurado.
"Talaga? Pero hindi kita tinext." Sabi ko sabay pakita ng phone ko sa kaniya.
" A-ah ano...m-may dinaanan din kase ako sa malapit kaya—" bigla siyang tumigil sa pagsasalita, maya-maya lang ay nangunot na ang noo nito.
"Actually hindi ko talaga alam ba't andito ako. Kanina nagda-drive ako tapos...tapos bigla akong nagising na andito na ako. Hindi talaga kita sinusundo kaya sige, una na ako." Walang preno nitong sabi saken.
Kaagad akong nagtaka sa mga pinagsasasabi niya. Nag-drive ba siyang tulog?
"Teka!" Pigil ko nang itaaas na sana niya yung salamin ng bintana.
" Sasabay na lang ako tutal andito ka naman na." nakangiti kong sabi dito, ni hindi man lang nawala ang kunot ng noo niya. Tsk, ang aga-aga masungit na naman siya.
"Sige." nagtaka ako nang bigla siyang bumaba sa kotse niya.
" Ikaw ang mag-drive, baka sa kabilang buhay pa kita dalhin." mahina lang ang pagkakasabi niya nito. Mukhang hindi maganda ang gising niya.
Hindi na ako nagtanong pa ulit sa kaniya. Pagkasakay namin ng kotse ay pinaandar ko na ito agad.
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun o talagang pinagmamasdan ako ni Quine. Kada mararamdaman ko ang mga tingin niya ay nadidinig ko siyang nagbubuntong hininga. Naka-sampu na ata siya ngayong umaga pa lang.
" B-bakit ba kanina mo pa ako tinitignan?"
"H-hindi ako nakatingin sayo." Pagkakaila pa nito.
"Ah, akala ko sakin ka nakatingin eh." pero may pakiramdam akong sakin siya nakatingin.
Maya-maya lang ay nadinig kong nagsalita ulit siya.
" Siya nga pala...yung kotse mo baka bukas o sa susunod na araw pa dumating. Pasensya nga pala kung natagalan."
"Hindi, ayos lang. Actually dapat pa nga akong magpasalamat sayo eh."
"Tsk. Buti naisipan mo." nangiti na lang ako sa kasungitan niya. Mukha ngang nasanay na lang ako sa kasungitan niya tuwing umaga.
Kaagad akong nag-hanap ng space kung saan kami pwedeng mag-park ng kotse.
"Tara. Sabay na tayong umakyat," yaya ko sa kaniya habang chinichek niya ang bawat pintuan ng kotse niya. Palagi niya yung ginagawa. Ang weird lang.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Novela JuvenilVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
