QUINE's
NAPAPADPAD na naman kami sa mapuno, madamo at parteng probinsya na lugar. Puno dito, puno doon. Wala akong makitang tao masyado o kahit man lang bahay habang nakasakay sa parang tricycle pero hindi. Mahaba kase ang katawan nito at gawa sa kahoy ang sakayan.
Hindi ko man tinatanong si Van kung anong ginagawa namin sa lugar na 'to ay nag-kwento na agad siya.
Dito daw sila lumaki at dito rin daw sila umuuwi kapag nagbabakasyon sila galing amerika. May ilan silang kamag-anak na andito pero sa mother side daw at baka hindi na nila kilala si Van sa tagal niyang hindi bumibisita doon.
Sa hindi malamang dahilan...may pakiramdam ako na nakapunta na ako sa lugar kung saan ako dinala ni Van. O pwede ring...may lugar akong napuntahan na kamukha lang nito.
Ilang milya pa ang tinahak namin gamit ang tricycle nang unti-unti na akong makakita ng mga bahay at ilang tao na naglalaro pa ng basketball.
"Manong dito na lang ho." Para ni Van sa driver na agad naman kaming ihininto sa tapat ng isang lumang bahay.
Gawa sa purong kahoy ang bahay pero gawa naman sa bakal ang gate nito na medyo nangangalawang na.
"Dito nakatira ang Auntie ko, sana lang naalala niya pa ako." Nakangiti at excited na sabi saken ni Van pagkakuha nito ng mga bag.
Bakit kase ayaw niya pang tulungan ko siya?
"Auntie Belen?" Pagtawag nito sa loob ng bahay. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ng Auntie niya bago lumabas ang isang batang babae mula sa may likod ng bahay.
"Ay sino po sila?" Tingin ko ay nasa 30 yung babae. Kaagad nito kaming tinignan ni Van mula ulo hanggang paa.
"S-Si Auntie Belen po?"
"Ay nasa bayan hijo. Eh sino ba sila?"
"Pamangkin niya po ako." Magalang na tugon naman ni Van sa babae.
"Eh ganon ba? Oh sige pumasok muna kayo at sa loob niyo na antayin ang ate."
Pinagbuksan nito kami ng gate saka inalalayan papasok sa loob.
Kahit na gawa sa kahoy at mukhang luma ang itsura ng bahay mula sa labas, medyo moderno naman ito sa loob.
May TV, may mga upuan sila sa sala na gawa din sa parang kawayan pero natatakpan naman ng malambot na tela at may mga unan pa.
Pinaupo kami ni Aleng Mary pagkapasok sa loob at agad nagtungo sa tingin ko ay kusina. Malambot ang upuan na inupuan namin. May TV pero hindi iyon gaya ng meron ako, parang cathode ray tube ang style nun.
"Dito muna tayo mag-stay ngayong gabi, ayos lang sayo?" Baling naman saken ni Van. Kaagad akong tumango sabay ngiti sa kaniya.
"Ayos lang." Gusto ko ang mga lugar na bago sa mata ko. Kahit na medyo nakakatakot ang aura ng lugar para saken...nakaka-excite naman.
Dinalhan kami ni Aleng Mary ng juice staka tinapay na mismong Auntie pa daw ni Van ang gumawa.
Matapos ang ilang minuto ay dumating na din ang Auntie ni Van na may kasama pang ibang tao, may mga dala silang plastic na mukhang lalagyan ng mga pinamili nila. Kaagad naman itong nagulat nang makita na kami.
"Auntie!" Masayang bati sa kaniya ni Van. Nung una ay parang nagtataka pa ang mukha nung Auntie ni Van ngunit matapos titigan ng matagal si Van ay mukhang nakilala na nito siya.
"Naku! Ikaw na ba yan Van? Aba'y binatang-binata ka na?!" Sabi pa nito sabat yakap kay Van. Maski yung ibang kasama ng Auntie ni Van ay nakilala din siya...tingin ko ay kamag-anak din sila ni Van.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
