II

404 25 3
                                    

QUINE's

I DRIVE and drive until I reached our private village, kung nasa-saan ang mismong bahay namin dito sa pilipinas. Ang ilang mga bahay na nakatayo sa loob nun ay para sa mga kasambahay at mga bodyguards din namin na siyang nag-babantay ng buong lugar.

"Madam?" gulat na bati saken ng Manong Rem—ang guard sa village— nang ibaba ko ang bintana ng kotse ko.

" Kamusta? Pwede pumasok?" Pabiro kong sabi sa kaniya.

"Ah, opo! Pasok po kayo." saka nito tuluyng binuksan ang gate para makapasok ako.

" Masaya akong makita ulit kayo dito." kita ko nga sa mukha niya.

"Ako din manong. Sige po." Paalam ko sa kaniya saka nagdrive na ulit papasok sa loob.

Nang marating ko ang gate ng bahay ay nakabukas na ito. Siguro ay sinabihan na sila ni Manong Rem na dumating ako.

Pagkababa ng kotse ay kaagad akong sinalubong ni Ford.

" Ms. Quine," bakas ang gulat sa mukha niya.

"Sorry kung late notice ang pag-uwi ko ngayon." paumanhin ko sa kaniya sabay ngiti.

" Ah, hindi po. Gusto niyo po bang ipatawag ko ang mga maid para paghandaan kayo ng pagkain?"

At dahil nabanggit niya ang pagkain, naramdaman ko bigla ang gutom.

"Sige. Staka nurse na din. At...pati na din si Doc. Nail, sabihin mo urgent." sabi ko pa sa kaniya.

"Masusunod po."

Gaya parin ng dati ang lahat. May fountain parin sa sa gitna ng garden sa tapat ng bahay. Pati ang garden hindi parin nagbabago. Maski ang loob ng bahay, ang mga furnitures lang ata ang napalitan. Ang mga paintings nakasabit parin. Pula parin ang carpet sa hagdan. Gawa parin sa salamin ang sahig at kumikinang parin. Pati ang mga chandeliers.

Biglang bumalik ang mga childhood memories ko. I really miss the good old days.

Saktong pagkatapos gamutin nurse ang sugat ko sa paa ay sakto namang dumating na din si Doc.Nail.

"What's the urgency?" Ngumiti ako kaagad sa kaniya saka itinuro ang upuan sa tapat ko.

"Is there something wrong with your heart?" Umiling ako sa kaniya saka agad na pinaalis yung nurse.

" Kung ganon, bakit mo ako pinatawag dito?"

"Actually, may gusto lang akong itanong sayo at gusto kong personal na itanong yun." Inantay kong matapos sa paglalagay ng pagkain at juice sa mesa ang mga maids bago ako nagtuloy sa sinasabi ko.

" Paano mo masasabing... love na ang nararamdaman mo?"

"I'm a cardiologist not a psychiatrist Quine." He said with a laugh.

"Alam ko... Pero gusto kong makarinig ng sagot mula sa taong naka-experience na nun."

He's married now, hindi niya naman siguro pinakasalan ang babaeng hindi niya mahal diba? Staka...siya lang talaga ang naiisip kong kausapin ngayon.

He took a deep breath then take a sip on his glass.

" Is this still connected to that person that made your heartbeat fast? ...The one that gives you shocks?" I nod. Naalala niya pa pala yun.

Grabe...parang kahapon lang yun ah?

"How's the two of you?"

"We're good." I guess?

" What do you mean good? ... Kayo na ba?" Nag-aalangan akong tumango sa kaniya.

Bakit parang nahihiya pa akong umamin sa kaniya?

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now