VAN's
MONDAY.
Last Wednesday ay nakalabas na ako ng hospital. Medyo nanghihinayang lang ako dahil hindi na ulit ako dinalaw ni Quine.
Well, hindi naman sa dapat niya akong dalawin pero, siya ang nakabangga saken kaya dapat lang na alam niya kung okay na ako o hindi.
Anyways. Nung nakaraang linggo lang ay nag-enroll ako for this academic year. Sabihin na nating I woke up one day that I needed to get my shit together. At isa pa, ayoko ding pag-initan pa ako lalo ng bagong pamilya ng papa ko.Maaga akong gumising. 9 ang oras ng unang subject namin at 6 palang ay gising na ako. Wala parin ngayon ang kotse ko, I already accepted na talagang matatagalan ang pag-aayos dun. Therefore, kailangan kong mag-commute papasok at sumabay sa siksikan ng mga tao sa train station.
Nakakainis lang dahil kahit gaano ako kaagang umalis ay late na akong nakadating sa school. Sobrang haba ng pila sa stasyon ng tren, hindi ko iyon inaasahan.
Mukhang kailangan kong gumising ng mas maaga pa bukas. Badtrip naman!
Pagdating ko sa school ay wala na akong makitang estudyante sa paligid. First day na first day late. What a nice start.
Tutal late na ako, Hindi na ako nagmadaling maglakad. Inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng aking dark navy blue pants saka kalmadong naglakad.
Maya-maya pa ay may nakita akong babaeng kakababa lang sa itim nitong kotse. Tumatakbo ito habang isinusukbit ang bag sa kaniyang likuran. At dahil naka-heels, natapilok ito at sumubsob pababa. Kaagad din itong nakatayo at tumakbo na para bang walang nangyare. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa nakita.
Napahinto ako nang madaanan ang kotseng binabaan nito. Mukhang mamahalin. Dati ko nang nakita ang logo ng kotse niya, hindi ko nga lang matandaan kung saan. Yung may trident na gaya ng kay Poseidon.
Anong brand nga ba yun?
Pagdating ko sa classroom ko ay nagdi-discuss na ng kung ano yung prof. Prente itong naka-upo sa may table at sin-sway pa ang paa niya.
"Yes?" tanong nito saken.
" I am late sir. " sagot ko sa kaniya. Kesa sabihing 'sorry I'm late', mas pinili kong aminin na late ako. Tutal I don't feel sorry on being late.
" Okay then, take your seat now."
Agad akong nag-hanap ng bakanteng upuan. Meron pa akong nakita sa likod kaya dali-dali akong nag-punta doon. Divided sa tatlong ang mga upuan, each may tigda-dalawang column.
Nakayuko yung babaeng magiging katabi ko. Nakaharang sa mukha niya yung wavy at mahaba nitong buhok na kulay milk coffee. Nang maka-upo ako sa tabi niya ay saka ko nakita kung bakit siya nakayuko.
Siya yun, yung babaeng nadapa kanina. Sabi ko sarili ko. What a coincidence?
Nagpatuloy na sa dinidiscuss niya yung Prof namin habang itong babae namang katabi ko ay panay ang pag-ihip sa sugat niya sa tuhod matapos nitong isprayhan ng sa tingin ko ay alcohol.
I could hear her cussing words under her breath. I can't help but laugh at her.
Shit. I think narinig niya ako.
Masama ang mga tinging ipinukol nito saken.
Teka... Siya?
Mukhang hindi niya ako namukhaan dahil muli nitong itnuon ang atensyon sa tuhod niya, pero hindi iyon nagtagal dahil muli siyang lumingon saken, nanlalaki ang mga mata at bahagya pang nakamaang ang bibig.
Umayos ito nang upo, "What are you doing here?" tanong pa nito saken.
" I'm a student here," I answered her, as a matter of fact.
"People at the back! Are you listening?" napa-ayos ako ng upo at muling ibinalik ang paningin sa harap.
Shitness, ang panget na ng first impression nito saken for sure. Late na nga ako, nahuli niya pa akong nakikipagdaldalan, sabi ko pa naman magbabago na ako ngayon at aayusin na ang pag-aaral ko.
Pasimple kong tinitignan sa gilid ng mata ko itong katabi ko, ang sama at walang kagana-gana ang mga mata niya habang nakatingin sa prof namin. Nasapo ko pa ang sarili kong labi para pigilan ang sarili sa pagtawa.
Para siyang papatay ng tao.
" Anong nakakatawa?" seryoso nitong tanong saken. Tumikhim ako at kunyaring inayos ang buhok ko habang nasa prof parin ang tingin. Ramdam ko ang mga mata ni Quine saken.
"Hindi naman ako tumatawa." pagdedeny ko saka muling itinuon sa prof namin ang atensyon ko.
Bakit ba ang sungit nitong babaeng 'to? Maganda pa naman sana siya kaso nakakatakot kausapin. Para kase siyang laging galit at parang wala sa mood.
Nang unang beses na magpunta ito sa hospital para dalawin ako, parang nag-slow motion ang paligid ko nang makita ko siyang papasok ng pinto. Mahaba ang buhok nitong kulay kape, balingkinitan ang pangangtawan niya at ang balat niya?
Para siyang bampira sa puti. Nagpapa-araw man lang ba siya?
Mabilis na lumipas ang unang araw ng pasukan. Ayun, wala akong matandaan sa pinagsasasabi ng mga Prof namin. Lahat ata sila kinwento ang dahilan kung bakit naging guro sila. Anyways, hindi talaga ako nakinig. Nakatingin lang talaga ako sa may white board sa harapan.
At bukas...ganito ulit. Hayss.
Thanks for reading, please vote!
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...