(II)

644 28 7
                                    

VAN's

Shit. Shit. Shit!

Ano bang ginawa mo Van?!

Napapasabunot na lang ako sa sarili ko ng wala sa oras habang paulit-ulit na inaalala yung nga sinabi ko kay Quine. Bwiset

Hindi ako nag-iisip. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nasabi ko ang mga yun sa kaniya.

Kitang-kita ko, sobrang sariwa pa sa ala-ala ko ang lungkot ng mukha niya. Kung hindi lang siguro umuulan paniguradong makikita ko din ang mga luha niya.

Nabigla lang talaga ako. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya saken...nagalit ako, oo. Pero dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi niya.

Binigyan ko lang naman siya ng pagkain tapos bigla na lang siyang nagalit? Ano bang masama dun? Sinunod ko lang naman ang sinabi ni Timothy. I remembered him saying that she love edible flowers, and so I made one! Ano bang nakakaiyak sa ganon?

"Bwiset!" pinaghahagis ko lahat ng mahawakan ng kamay ko. Panibagong kalat na naman 'to na lilinisin ko din naman mamaya.

Hindi kaya may sentimental value sa kaniya yun o baka may masama siyang ala-ala dun? O baka...ayaw niya talaga ng ganon? Malay ko ba kung ano sa buhay niya yung rosas na pagkain na yun. Kainis!

Ayokong itapon yung binigay kong pagkain kay Quine. Gusto ko mang kainin iyon ay wala ako sa mood, kaya naman inilagay ko na lang iyon pansamantala sa ref.

Matapos kong maligo at magpalit ng malinis na damit ay walang kain-kain akong humiga sa kama ko. Ilang oras din akong tumitig sa salamin. Iniisip kung paano ako magso-sorry kay Quine.

Nadala lang ako ng emosyon ko. Alam ko namang nasasaktan parin siya hanggang ngayon dahil sa pagkawala ng parents niya pero... Siya na mismo nag-sabi, hindi hihito ang mundo dahil lang malungkot ka.

Hindi ako makatulog. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sa tuwing pipikit ako mukha niya ang nakikita ko. Kapag nakadilat naman ako naaalala ko yung usapan namin.
Kailangan kong bumawi. Gusto kong bumawi.

I end up searching for things to do in case you want to say sorry to someone. Puro pang girl/boyfriend ang nakikita ko. Giving of flowers, chocolates, take her to a beautiful place, make a poem, sing her a song, blah blah blah. Inabot na lang ako ng madaling-araw at wala parin akong maisip na gawin.

Sa huli. Isa lang ang naisip kong gawin. ang magpunta sa kaniya at humingi ng sorry.

Tapos kung ayaw niya talaga saken. Then, maluwag kong tatanggapin iyon at hindi na ulit siya kukulitin.

5 palang ay naghanda na ako. After two hours, ay natapos na din ako sa paghahanda.

7 palang kaya maluwag pa ang kalsada at sobrang kaunti palang ng mga kotse. Dahilan para 10 minutes lang ay makarating na ako sa apartment ni Quine.

Akyat dito. Baba don. Paulit-ulit ko iyong ginawa. Hindi na ako magtataka kung may makakita saken at isiping magnanakaw ako.

Matapos pa ang ilang minutong pabalik-balik sa hagdan ay napagdesisyunan ko nang mag-doorbell. Pero bago iyon ay humugot muna ako ng malalim na hininga. At kaunting dasal na din.

Nakadalawang doorbell ako at wala paring nagbubukas ng pinto. 

Siguro tulog pa siya. Isip-isip ko.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now