CHAPTER 23

506 24 11
                                    

QUINE's

MONDAY.

Abala na lahat ng mga studyante sa pag-aayos ng kani-kanilang booth. Pero ako chill lang. Pano ba namang hindi, eh wala namang ibang sinasabi si Liel na gawin ko para makatulong. Hindi ko rin gustong bigla na lang pumunta sa kanila at mangi-alam.

Puro pagpupukpok ang ginagawa ni Van. Yung iba namang mga lalake, lagare dito at lagare doon. Tapos yung ibang babae naming classmate ay gumagawa ng mga designs. Marami akong naiisip na pwede nilang i-design para mas maging maganda at kaakit-akit ang booth namin. Pero ramdam kong hindi nila gustong maki-alam pa ako.

"Grabe no? May dagdag grades kaya tayo sa ginagawa nating 'to?" maya-maya pa ay tanong ni Kary samen ni Alec.

Magkakasama kaming tatlo na nakaupo ngayon sa grassland at nakatingin sa pathwalk.

" Naku sana naman. Kaso may makukuha ba tayo? Eh nakaupo lang tayo dito eh " si Alec. Sabay-sabay kaming nagtawanan na tatlo.

" Pwede naman tayong maging judger. Actually, ang panget ng booth natin... Si papa Van lang ang magandang tignan dun eh." banat pa ni Alec.

"Baliw ka, andito yung girlfriend oh." napangiti na lang ako sa sinabing yun ni Kary.

" Ayos lang, pwede ko naman siyang i-share sa inyo." Biro ko pa. Parehas din silang nagulat sa sinabi kong yun.

"Talaga bakla?" tumango ako bilang.

" Oo naman. Basta isang hawak 2k ang bayad. 5 minutes na titig kahit 500 okay na."

"Ay business minded talaga ang bruha?" Sabay-sabay kaming nagtawanan sa kalokohan namin. Pero sa totoo lang, hindi ako mahilig mag-share... Maliban na lang kung pulubi o mahirap ka.

Hindi naman kase ako pinalaki ng pamilya ko na mas pahalagahan pa ang perang walang buhay kesa sa mga taong nakapaligid saken.

Tinuruan nila akong pahalagahan ang mga bagay na hindi madaling makuha, gaya ng kasiyahan, kaibigan at mga taong mahal ko.

" Saglit, pupunta lang ako ng cr." paalam ko sa dalawa, pero sumama na din sila saken at bigla din daw silang naihi.

Ang haba ng pila sa kahit saang cr ng mga building, maski ang library ay ganon din. Kaya naman no choice kami ni Kary kundi ang pumila, habang si Alec naman bumalik na sa tinatambayan namin kanina.

Mas nauna akong matapos kay Kary, kaya naman inantay ko na lang ito sa labas. At kung mamalasin ka nga namin, antagal na din mula nang magsalubong ang landas namin nung Avery.

"Oh, it's you!...what's your name again?" alam kong kilala niya ako, imposibleng hindi.

Sa halip na sagutin siya ay nanahimik lang ako.

Humakbang pa ito palapit saken hanggang sa halos isang hakbang na lang ang pagitan namin.

" Never mind, ang tanging maalala ko lang naman ay kung pano mo inagaw si Van saken." agad na napataas ang kilay ko sa sinabi niyang yun.

"Paanong pang-aagaw ang  nangyare kung hindi naman na siya sayo? Nakatira ka ba sa imagination mo at hindi mo parin ma- sync in diyan sa utak mo na wala na kayo?" Pigil ang inis kong sabi dito.
Agad na napuno ng inis ang mukha niya, kulang na lang ata ay umusok ang tenga niya.

" Ha! Akala mo ba may pinagkaiba tayo? Imagination rin lang ang meron kayo, wag mong iisiping lahat ng ginugusto ka ay may malinis na hangarin...masyado kang nagpapaka-prinsesa dito eh hindi ka naman dapat nandidito on the first place...tama ba?... Ang heiress na muntikan na ipasok sa psychiatric ward?"

Hindi ko ipinakitang nabigla ako sa huling sinabi niya. Mukhang gumawa siya ng research kaya andami na niyang nasasabi ngayon tungkol saken.

Ngumisi ako para mas lalo pa siyang inisin.
"Tama ka dun, ang dami mo na atang alam tungkol saken? Ano pa?" kunwari pa itong nag-isip habang pinapaikot-ikot ang ilang strand ng buhok sa daliri nito.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now