VAN's
I FOUND some frozen meat sa ref ni Quine. Lahat din ng sangkap na kailangan ko ay agad kong nakita. Himala nga at sabi niya ay hindi siya marunong magluto pero ang kusina niya ay punong-puno naman ng laman.
Siguro si Timothy ang siyang nagluluto para sa kaniya, Sabi ko sa sarili ko.
Nang makita ko pa lang itong magtrabaho dito sa kusina, ramdam kong magaling din itong magluto.
I'm planning to cook my mom's special adobo. Sa mama ko ako natutong magluto. Palagi lang naman akong tumitingin sa kaniya kapag nagluluto siya sa kusina, di kalaunan napakinabangan ko din ang patingin-tingin ko. Mas gumaling pa akong mag-luto nang tumira ako sa bahay ni papa at nang ipatapon ako nito sa states.
Maya-maya pa ay may naramdaman kong papalapit sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Quine. Nakapagpalit na siya ng damit, black shirt at shorts, dahilan para makita ko ang makinis at maputi nitong mga binti.
Grabe, may dugo pa ba siya sa katawan niya? Sa sobrang puti niya para na talaga siyang bampira.
"Anong niluluto mo?" tanong nito sabay nguso dun sa nakasalang sa stove. Nagtuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa may ref.
" My mom's adobo." sagot ko dito saka pinagpatuloy ang paghahalo.
"Oh? Adobo? Alam mo nilulutuan din ako ng Mom ko ng ganyan." nakangiting sabi pa nito saken saka naglabas ng pitsel sa may ref at kumuha ng baso, saka nagsalin ng tubig doon.
Naalala ko bigla yung pag-inom niya sa basong ginamit ko na.
" Pero minsan lang ako nakatikim ng luto ni Mom. Only during holidays or bithdays and some celebrations na din. Ang usual na nagluluto para saken mga maids namin." kaya naman pala hindi siya marunong magluto.
"Diba dapat nag-aaral ka na ding mag-luto para sa sarili mo? Lalo pa't mag-isa ka na lang na nakatira dito."
"You're right. I tried though, pero hindi ko kinaya. Siguro magha-hire na lang ako ng personal chef kapag umalis na si Tim." natigil ako sa ginagawa ko.
" Aalis si Tim?" gulat kong tanong sa kaniya. Tumango siya. Agad?
"Pinapabalik na siya sa Australia ng family niya. Hayss. Wag ka nang umasang magkakatuluyan kayong dalawa ha? Runaway groom yun kaya baka ilang buwan lang at ikakasal na din siya."
Oh...mga mayayaman talaga.
Normal na talaga sa kanila ang arrange marriage. Sila mismo ang gumagawa ng sariling kapalaran para sa mga anak nila.
" Oh, wag ka nang malungkot. Na-love at first sight ka ba sa kaniya? Well hindi kita masisisi, gwapo naman kase talaga si Tim," umupo ito sa isa sa mga stool. Pinag-krus ko naman ang mga braso ko habang nakikinig sa pang-aasar niya.
Tsk, pag-inasar ko 'to, pikon agad 'to.
"Alam mo ba? Dapat saken ikakasal yung lalaking yun? eh kaso hindi natuloy... Anyways makakahanap naman tayo ng iba diyan. May mas gwapo pa kay Tim kaya wag kang malungkot, okay?"
Ipinatong niya ang kaniyang mukha sa kamay niya saka nakakalokong ngumiti saken. Napamaang na lang ako sa mga sinabi niya.
Love at first sight? Kay Timothy? May pagkabaliw din talaga.
Humakbang ako papunta sa stool sa tapat niya, saka ipinatong ang mukha ko sa may kamay ko, gaya ng ginagawa niya.
" Mukha ba akong bakla sa paningin mo?" kita ko ang pagbaba ng mga tingin niya sa may labi ko, pero mabilis din niya iyong ibinalik sa mga mata ko.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Ficção AdolescenteVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
