CHAPTER 15 (I)

550 38 3
                                    


QUINE's

Kung ano man ang binabalak niya. Sana lang wag na niyang ituloy pa. Sabi ko pa sa isip ko nang mag-umpisa nang mag-turo ang prof namin.

This past few days. Akala ko okay na kami ni Van, I mean dinistansya na niya ang sarili niya saken.

Hindi ko sinasadyang maging maldita sa kaniya nung huli naming pag-uusap. Pero kung kailangan kong ipakita ang sungay ko para lang layuan niya ako—kahit na hindi ko gusto—gagawin ko.

Pero sa ginagawa niya ngayon. Alam kong may iba pa siyang pinaplano. Bakit ba hindi niya na lang ako layuan? Nakakainis. At ang mas nakakainis pa...bakit parang nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na saya nang mag-usap ulit kami? Yung pakiramdam sa tuwing nakikita mong maganda ng sikat ng araw sa labas?

Nababaliw na ata ako. My goodness...ano bang pinagsasasabi ko?

" Oy ano ba yung nangyari sa inyo ni Van kanina? Nag-away ba kayo?" si Kary. Nasa cafeteria kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng lunch namin. Pero dahil sa wala akong gana, hinuhukay-hukay ko lang yung pagkain ko.

"W-Wala yun...may h-hindi lang kami na—"

"Oy! Pwede sumabay?" biglang sulpot ni Van sa gilid ni Kary.

Kainis! Ano namang ginagawa niya dito?

" Ah..s-sige lang Van. Dito ka na lang umupo. Alec, urong ka." binigyan ko ng anong-ginagawa-mo na tingin si Kary. Ngumiti lang ito na para bang tuwang-tuwa pa sa ginawa niya.

Nang maupo na si Van sa tabi ko ay agad na umalingasaw ang napaka-bango niyang amoy. Kainis. Nakakaakit ang amoy niya.

Kalma Quine. Wag kang papa-apekto sa lalaking 'to.

"Oh! Ang sarap naman ng ulam mo. Pwede pahingi?" nang-aasar ba talaga siya? Wala pa man akong sinasabi ay kumuha na ito sa ulam ko.
Ang kapal.

" Hmm, ang sarap. Kain na." punong-puno agad ang bibig nito. Animo'y hindi kumain ng buong araw. Mas lalo akong nawalan ng gana.

"Uhmm... Alec s-samahan mo naman ako sa clinic oh. Itong puson ko kase, ang sakit."  napa-angat ako bigla ng tingin kay Kary.

" Ah...sige. Tara, tara." agad namang tinulungan ni Alec si Kary na tumayo. Habang si Kary naman ay hawak-hawak pa ang bandang puson nito at animo'y sakit na sakit na.

Nakakapag-taka...okay naman siya kanina ah?

"S-sama ako." tatayo na sana ako pero bigla namang hinigit ni Van pababa ang braso ko. Dahilan para maupo ulit ako.

At heto na naman... Ilang araw ko ding hindi naramdaman ang pusong ito. Na para bang namatay ito nitong mga nakaraang araw at ngayon lang ulit tumibok.

" Naku! Hindi na Quine, kaya ko na 'to si bakla." Ani Alec.

"Kumain na tayo." Nakangiting sabi saken ni Van. Totoo at hindi pilit ang mga iyon. Kita ko...ramdam ko.

Kapag pinagpatuloy niya pa ang kakangiti niya...baka mahawa na talaga ako.

" Wala ka bang gana? Bakit pinaglalaruan mo lang yang pagkain mo?"

"Ano bang pake mo?" walang gana kong sagot dito, nasa plato lang ang mga tingin.

" Kung ayaw mo, akin na lang." hinayaan kong kunin niya ang pagkain ko. Tutal sayang lang kung itatapon ko lang ang mga yun.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now