6:40 na nang matapos akong mag-ayos. Suot ko ang pointed-toe slingback ko, kakulay din ng mismong dress.
Habang hinihintay mag-7 ay hindi talaga ako mapakali sa kakaisip.
Pano kung nakashirt lang pala si Van? Tapos ako parang sa party pa ang punta?
Pero...sabi niya naman mag-dress ako. Okay na 'to. Masyado lang siguro talaga akong naa-anxious.
Maya-maya pa ay narinig ko nang tumunog ang doorbell ng bahay ko. Kaagad akong tumayo pero tumigil muna ako saglit bago ko iyon buksan.
Nag-aalangan ako sa itsura ko...ngayon lang ako na- conscious ng ganito. Hayss.
Nang muli iyong tumunog ay humugot muna ako ng malalim na hininga saka binuksan ang pintuan.Parang nawala lahat ng hangin sa katawan ko nang makita ko ang itsura ni Van. All black ang suot niya. Black longsleeve na pinapatungan ng black suit. Wala siyang suot na necktie at nakabukas pa ang dalawang butones ng black longsleeve niya. Ang buhok niya ay nakahati sa gitna at mukhang naka-wax pa.
Sobrang gwapo niya. A Knight in black, indeed.
"H-hi..." bati ko dito. Nakita ko ang pag-akyat at pagbaba ng tingin niya saken. Naisip ko din na sakto lang pala ang dress na suot ko.
" H-hello..."nakangiting bati nito. Para kaming mga baliw na nakatitig lang sa itsura ng isat-isa.
Grabe...hindi talaga ako makapaniwala na may igagwapo pa pala siya. Badboy na badboy ang itsura niya ngayon. At oo, gusto ko yun.
"A-no? Alis na ba tayo?" tanong ko dito nang hindi na siya magsalita ulit. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya at nakatitig lang siya saken.
Ilang beses siyang kumurap, animoy ginigising ang sarili.
" Ah...oo. Tara?" nagpaalam ako saglit para kunin ang handbag ko.
For the first time ay naging gentleman siya—not that hindi siya gentleman — siya kase ang nagbukas sa pintuan ng passenger seat para saken.
Pagkakabit kong seatbelt ay siya namang pagpasok niya sa driver's seat. May kung ano siyang kinuha sa backseat. Maya-maya pa ay may iniabot na siya sakeng malaking bouquet na puro tulips...akala ko totoo ang mga yun pero mga marshmallow shaped tulips pala ang mga yun.
"For you." sambit nito nang iabot saken yung bouquet. Hindi ko mapigilan ang ngisi sa labi ko.
" Thank you." natutuwa kong sagot sa kaniya.
"Kasing ganda mo yang bulaklak." ramdam ko ang agad na pag-init ng pisngi ko sa sinabi niyang yun.
Bakit ganon? Marami na rin namang tao ang nagsabing maganda ako, pero...parang mas ramdam ko ang mga salita niya.
" Ikaw din." agad na naningkit sa pagtataka ang mata niya.
"I-I mean ikaw din...ang gan_ I mean ang g-gwapo mo." paglilinaw ko. Ngumiti ito saka pinaandar ang kotse niya.
Pasimple akong humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko.
Nagtatalo ang amoy ng pabango ko at pabango niya. Pero mas gusto ko talaga ang amoy ng pabango niya. Yun ang...tatak niya saken.
Ilang minuto pa at tumigil na kami sa harap ng isang mukhang mamahaling restaurant. Agad kaming sinalubong ng valet pagkababa.
Bago kami pumasok ay in-offer ni Van ang braso niya para kapitan ko. Napailing na lang ako na may mga ngiti sa labi. Para kaseng ibang Van ang kasama ko ngayon.

YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...