VAN's
ILANG oras ko na ding tinititigan ang mukha ni Quine pero hindi parin ako napapagod.
Gusto kong bilangin ang mga nunal sa mukha niya. Kung ilang beses gagalaw ang kilay niya. At higit sa lahat, pakinggan ang paghinga niya.
Kahit umaga na ay hindi parin sumisikat ang haring-araw. Patuloy parin sa malakas na pagpatak ang ulan na sinasabayan pa ng paminsan-minsang ihip ng hangin sa labas. Mas lalong pinapalamig ang buong apartment ni Quine.
It's 7:35 now. Dapat tumayo na ako para maghanda na ng breakfast namin, pero dahil sa init ng nakadagan niyang braso sa may bewang ko, I wished for more minutes.
Mahigit sampung minuto na siguro ang lumipas nang makita ko ang unti-unting pagdilat ng mata niya kasabay ng mahina nitong pag-ungol.
"Good morning," kaagad kong bati sa kaniya. Ini-alis ko ang mga biglang humarang na buhok sa mukha nito saka mabilis na idinampi ang labi ko sa noo niya.
"Mmm," ang tanging sagot nito saka muling pumikit.
Wala akong balak na pikunin siya ngayon, kahit pa gustong-gusto ko nang makitang namumula ang mukha niya. Sobrang na-miss ko siya kaya gusto ko lang na maging sweet sa kaniya.
"Maghahanda na ako ng breakfast. Any request?" Umupo na ako sa may kama saka nag-stretch ng balikat ko.
"Kahit ano. Masarap naman lahat ng luto mo eh." Inaantok naman nitong sagot saken. Dahilan para mas lumawak pa ang ngiti ko.
Yumuko ako para halikan ulit siya sa noo bago ako bumaba ng kusina.
Hmm, ano kayang lulutuin ko?
Naisip kong gumawa ng blueberry pancakes matapos makita yung collection niya ng berries sa ref. Nakikita kong hinahalo niya yun sa oatmeal niya minsan.
Sinamahan ko yun ng cheese and bacon, saka Sunnyside eggs. At dahil umuulan, naisipan ko ding gumawa ng hot chocolate para saming dalawa.
Sakto namang patapos na ako sa pag-aayos ng mga plato namin nang makarinig ako ang kaluskos ng stinelas, paglingon ay tamad na tamad nang naglalakad si Quine papunta sa banyo.
Napangiti na lang ako. Hindi talaga siya morning person. Himala nga at hindi siya nagagalit kapag kasama niya ako dito, palagi kase talaga akong nagigising ng maaga. Tapos sa hindi malamang dahilan, nagigising din siya agad, o kaya naman ay the other way round.
"Hmm...anong yang niluto mo?" Nakatingin siya dun sa mismong pancake habang inuupo ang sarili sa tabi ko.
"Blueberry pancakes, Magugustuhan mo ang lasa niyan." Siguradong-sigurado pang sagot ko sa kaniya.
"Talaga ba?" Taas noo akong tumango sa kaniya.
Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit na isang beses pa lang akong nakakita ng procedure sa paggwa ng blueberry pancakes at kahit na ngayon ko pa lang naisipang lutuin yun, alam kong masarap yun. Siguro in-born na talaga ang pagiging magaling ko sa pagluluto kaya kahit ano pang lutuin ko, masarap talaga.
Inantay kong maisubo niya yung unang hiwa ng pancake sa plato niya.
"Kamusta?" Naniningkit ang mga mata nitong nilingon ako.
"Bakit ba tinatanong mo pa? Masarap po ang luto niyo."
"Sabi ko nga." Pigil ang ngiting sagot ko sa kaniya. Kahit na alam kong masarap ang luto ko, mas gusto ko paring marinig na manggaling sa kaniya yun... sa hindi malamang dahilan.
Pagkatapos naming kumain ay sabay naming hinugasan yung mga plato. Nagpumulit kase siya kahit na kaya ko naman na.
"May bagyo ba? Tingin mo kailan titigil yang ulan?" Tanong saken ni Quine habang nagtutuyo ito ng plato.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Roman pour AdolescentsVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
