Writer's View
"Hoy bata! Ang taba mo naman, mukha kang marshmallow!" Asar ng batang dambuhala sa maliit at matabang bata, kasing puti ng marshmallow ang kutis nito.
Kasalukuyang nagpapa-araw ang bata sa labas gate ng bahay nila. Actually, ang sabi ng mama niya ay makihalubilo na din siya sa mga kapwa bata niya pero, hindi niya sila gusto kaya nagpapa-araw na lang siya sa may upuan sa labas ng gate nila.
"Hoy bata! Bingi ka siguro no?" Nagtawanan ang ilang pang nga bata na nang-aasar dun sa maputing bata.
Hindi niya sila pinansin, bata palang kase ay tinuruan na siya ng lolo niya na intindihan ang mga tao, dahil bata man o matanda ay may problema paring kinakaharap kaya huwag daw itong maging magpagpatol.
"Bingi nga ata! Hindi sumasagot eh! Hoy!" Nang hindi talaga pansinin ng batang mukhang marshmallow ang nga nang-aasar sa kaniya ay pinagtututusok nila ito.
Nang bigla na lang...
"Hoy! Anong ginagawa niyo ha??" Sigaw ng maliit at medyo payat na bata sa mga nang-aasar pang mga bata. Agad ding nagsipag-atrasan ang mga 'to.
"Siya na naman? tara na baliw pa naman yan, baka bugbugin na naman tayo niyan eh?!" Bulong ng isa pang bata sa mga kasama niya.
Maya-maya pa ay nagsi-alisan ang nga mga 'to.
Bata pa lang kase ay mahilig na talagang mambugbog ng kapwa niya bata ang batang Van. Pero, ginagawa niya lang yun dahil ayaw niyang minamaliit din siya ng iba, gaya ng amain niya.
"Ayos ka lang?" Tanong nito sa maputing bata. Ngumiti ito sabay tango.
"Bakit kase hindi ka lumaban sa mga yun? Mas malaki pa ang katawan mo kesa saken tapos saken pa sila natakot? Dapat lumalaban ka!" Nginitian lang siya ulit ng maputing bata, na para bang sinasabi nito na alam niya.
"Siya nga pala, ako si Van. Dun lang ako nakatira." Sabay turo nito sa kung saan.
"Ikaw, ano pangalan mo?"
"Sevy." Sagot naman nung maputing bata.
"Sevy? Ang panget naman ng pangalan mo." Hindi pinansin ng bata ang pang-aasar sa kaniya ni Van at pinagpatuloy na lang ang pagpapa-araw.
Ilang linggo ang lumipas bago muling nag-kita ang dalawa.
Parehas na nag-iimpake ng mga gamit ang kani-kanila nilang pamilya. Ito ang una nilang pag-lalayo, pero hindi ang huli.
"Aalis na kami, baka hindi na tayo ulit mag-kita."
Malungkot na ani Van. Hindi siya sinagot ni Sevy pero hindi naiwasan ng mga mata nito na tignan ang ilang maiitim na parang pantal sa braso ng bata. Hindi pa alam ni Sevy kung ano ang mga yun kaya hinayaan na lang niya.
"Gusto mo kapag nag-kita tayo maging asawa kita?" Hindi naiwasan ng batang Sevy na kunutan ng noo ang batang Van.
"At ano namang alam mo sa pag-aasawa? Ang bata mo pa kaya."
"Ang sabi ng mama ko dapat daw protektahan ko ang magiging asawa ko at hindi ko saktan. Kapag nag-kita ulit tayo porpotektahan kita ulit, gusto mo yun?" Nakangiti pang tanong nito kay Sevy.
"Ewan, siguro?" Ani Sevy, pero naguguluhan talaga ito sa pinagsasasabi ng batang Van. Alam ni Sevy na mabigat na salita ang pag-aasawa, yun ang sabi sa kaniya ng lolo niya. Kaya hindi iyon dapat gawing biro lang.
"Alam mo? Ang cute mo. Kaso...ang putla mo. Magpa-araw ka lagi ha?" Sabi pa ng batang Van saka dahan-dahang tinapik ang ulo ni Sevy, na para bang habilin nito.
"Wag kang mag-alala. Mag-aaral akong mag-luto para kapag nag-kita ulit tayo ipagluluto kita. At kapag naging asawa mo ako, hinding-hindi ka magugutom!" Proud na proud na sabi pa nito.
Maya-maya pa at nadinig na ng dalawang bata ang malakas na sigaw ng amain ni Van. Galit na agad ito.
"Van! Bata ka? Anong sabi ko sayo ha? Puro ka na lang laro!" Hinatak nito sa may braso si Van na para bang anumang oras ay kayang baliin ng ama ang mga buto niya sa higpit ng pagkakahawak nito.
Pero hindi ipinakita ni Van na nasasaktan siya sa batang Sevy. Muling nilingon ni Van si Sevy saka ngumiti at kumaway dito. Kaagad naman itong ginantihan ni Sevy.
Maya-maya pa ay mga magulang naman niya ang tumawag sa kaniya.
"Aalis na tayo honey," malumanay at napakalambot ng boses ng ina nito. Parang marshmallow, isip-isip ni Sevy.
"Mommy, may friend na ako." Masayang sabi nito sa mommy niya na narinig din ng daddy at lolo nito. Lahat sila ay nagulat, alam kase nila ang ugali ng bata. Mas gusto pa nitong kumain ng icecream habang nanonood ng movie sa mini theatre nila sa bahay kesa sa humanap ng kaibigan.
"Talaga? Anong pangalan?"
"Van daw po." Aniya.
Habang palayo ang kotse ng pamilya ni Sevy, bigla na lamang nitong naalala ang sinabi ni Van sa kaniya. At ang tanging nasabi lang nito sa sarili,
Baliw na siya.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Novela JuvenilVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
