Gulat at pagtataka ang nababasa ko sa mga mata niya."Van?" sabay pa kaming napalingon sa likod ni Van.
Nang makalapit na yung babae kay Van ay tinapunan agad ako nito ng mataray na tingin, sinuyod pa nito ang kabuuan ko saka muling ibinalik ang atensyon kay Van.
"Mag-usap tayo after class?" gusto kong matawa sa bait ng boses niya nang sambitin ang mga salitang iyon.
Para naman akong napako sa kinatatayuan ko.
Tinapunan siya ni Van ng masamang tingin, " Ayoko." mariing sabi nito saka nag-patuloy sa paglalakad papunta sa direksyon ko.
Nang makalapit si Van saken ay agad nitong kinuha ang kamay ko saka dali-daling kinaladkad kasama niya.
T-teka?
"Hoy! Ano ba!" pilit kong kinukuha ang kamay ko sa kaniya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya dito.
" Ano bang ginagawa mo?!" ayaw niya parin akong bitiwan!
"Sisigaw ako dito kapag hindi mo parin ako binitiwan!" nauntog ang ulo ko sa may likod niya nang bigla na lang itong huminto. Nasa may hallway kami ng locker's area at walang masyadong tao.
" Ano bang ginagawa—"
"Narinig mo?" bigla naman nitong tanong. Seryoso ang mga tinging ipinupukol nito saken dahilan para hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.
" A-anong narinig?"
"Wag ka ngang mag-kunwari. Nakikinig ka samen no?" bintang pa nito saken.
Kung ganon yung usapan pala nila yung tinutukoy niya." H-hindi ko naman kasalanan kung ang lalakas ng boses niyo no!" pasimple kong sinubukang kuhain ang kamay ko pero mas lalo na naman niyang hinigpitan ang pagkakahawak dun.
"Eh di dapat nagtakip ka na lang ng tenga mo." sarkastiko nitong tugon saken. Dahilan para mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko.
" Eh di sana hininaan niyo ang mga boses niyo. Don't worry wala naman akong pakealam sa kung anong pinag-uusapan niyo kaya pwede ka nang kumalma okay? Bitiwan mo na nga ako!"
"Yung kotse ko?", tanong pa nito sa halip na gawin ang sinabi ko.
" Ginagawa na, 4-5 days baka andito na yun. Bitiw."
"Bakit ang tagal?", reklamo pa niya. Tsk, magpasalamat nga siya at kusa ko nang pinaayos eh!
" May shipping days pang kasama yun kaya matagal. Bitiw na!" pabagsak nitong binitiwan ang kamay ko saka nag-dire-diretso nang maglakad.
Anong problema nun?
Pagkasikbit ko ng bag ko ay umakyat na din ako sa room sakto namang kakaunti pa lang ang mga nakakabalik galing sa kani-kanilang lunch break. Naka-upo na din si Van sa tabi ng upuan ko at naka-yuko ang ulo sa may desk.
" Hoy!" halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumigaw. Nakita ko naman yung isang lalakeng naglalakad papalapit... saken?
"Bakit ngayon ka lang ha?" mataray pa tanong nito saken pagka-upo niya.
Anon bang problema ng mga tao ngayon?
Taka naman akong tinitigan lang sila.
" Alam mo bang kahapon ka pa namin gustong kausapin? Ang ganda-ganda mo! Anong sekreto mo ha?", ah...akala ko naman kung anong problema. Pilit na lang akong tumawa sa sinabi niya.
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-angat ng ulo ni Van.

YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...