QUINE's
PAGKA-uwi ko sa bahay ay ibinaba ko agad ang bag ko sa sahig at ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa.
Nakakapagtaka lang dahil wala naman kaming masyadong ginawa pero parang nag-excercise ako ng buong araw.
Nakakapagod, parang ayoko na tuloy pumasok ulit bukas.
At ang nakakainis pa, na-late ako ng gising at nadapa pa on my first day of school! At sobrang liit nga naman mundo dahil classmate ko pa yung taong muntik ko nang mapatay nung nakaraang linggo lang.
Wala na siyang bendang suot sa ulo at sa braso na lang. Hindi ko din alam kung anong trip niya at lingon siya ng lingon saken. Kahit na sa harap ako nakatingin kanina, ramdam ko ang mga mata niya.
Don't tell talagang type niya ako?
Masyado akong napagod sa unang araw ng pagbabalik ko sa school, kaya naman hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pantulog o kahit tumayo man lang. Sa katamaran ko, hinayaan ko na lang ang sarili kong makatulog sa sofa.
Next Day.
Nagising ako sa mainit at nakakasilaw na araw na diretsong tumatama sa may mukha ko, nakalimutan ko nga palang isara ang kurtina sa bintana kagabi. Hindi ko alam kung ano oras na, pero sobra akong tinatamad na tumayo at mag-asikaso ng sarili ko. Suot-suot ko nga pa din ang uniform ko kahapon at ang last na kain ko ay nung lunch pa kahapon.
Wag na lang kaya akong pumasok? Sabi ko sa sarili ko.
Wala kase talaga akong ganang pumasok at makinig sa mga kwento-kwento ng mga professors namin.
In the end, nag-decide ako na sa after lunch na lang ako pumasok. Saka muling bumalik sa pagtulog.
Hours later~
Pagdilat ko ay agad kong tinignan ang oras sa phone ko, 10:00 na at ibig sabihin papatapos na ang first subject namin. Tumayo na ako at nagtungo sa kusina, ramdaman ko na din ang unti-unting pagkalam ng sikmura ko.
Nalipasan na din ako ng gutom kaya hindi magandang kumain agad ako ng marami, kaya naman nag-toast and bacon na lang ako. Sinamahan ko din ng apple juice.
Pagkatapos kong kumain ay nag-shower ako, at katulad kahapon, nag-ayos din ng konti. Dark Navy ang kulay ng school uniform ng Fin International University. White longsleeve with navy tie and dark navy na coat, habang yung palda naman ay halos 4 inches above the knee na ata...sobrang ikli nun para saken.
11:30 na nang makarating ako sa school. 12:00 naman ang oras ng lunch, ibig sabihin nasa cafeteria at nakakakalat na ang mga estudyante ngayon kung saan-saan.
Hindi na muna ako dumiretso sa room para maglibot-libot na muna sa buong campus. Sa paglilibot-libot ko ay napadpad ako sa likod ng mga building. Puro damo, bulaklak at puno ang makikita mo sa likuran, muka naman silang inaalagaan dahil buhay na buhay ang kulay ng mga ito, wala din akong nakikitang kalat sa paligid. There are also wooden benches under the trees.
Umupo ako sa pinaka malapit na bench sa ilalim ng isang puno, sayang nga lang at napakataas na pader ang nasa harapan ko na siyang nakapalibot sa buong campus. Matapos umupo ay naglagay na ako ng earphone sa tenga saka sumandal. Sobrang ng paligid ko, tahimik din... Nakakakalma talaga ang ganitong lugar.
All of my doctors agreed to let me travel on places full of trees and flowers, I told them how they calm my mind, actually, I love getting lost with them. Like I'm in a world far from reality...far from everything. The past two years was really the darkest part of my life that all of the people I've known prohibits me from leaving our house. I could feel a lot of eyes are watching me that time, all are afraid that I might do something bad to myself. I actually did, twice.
The first time is a week after my parent's funeral. I hanged myself on the garden built at the middle of our house, I told myself how I wanted to die looking at the best place in our house where memories are overflowing. I used a thin rope that left a cut on my upper neck, hiding under my chin. Dale found me though, that's when they started watching my every moves. That's why my second attempt is inside my bathroom. It's the usual, drinking a lot of pills... I end up on a hospital bed after. Then the next day, news articles about me suffering from depression is all over the news and even on papers. Dale made an action about that though.
But I'm okay now. My heart's no longer in pain. My lungs giving me enough air. I'm fine now. I guess?
Payapa akong nakapikit habang nakikinig ng music nang makarinig ako ng sigawan.
"Bakit ba ang kulit mo? Ano sa 'ayoko na sayo' ang hindi mo naiintindihan? God!" Tinanggal ko ang earphone ko at lumingon-lingon sa paligid, walang tao.
" You're still the one I want and that'll never change! Why can't you just forgive me? What I did was a mistake, I love you!" boses iyon ng isang babae at mukhang umiiyak na ito.
Hindi naman ako chismosa pero na-curious ako kung bakit sila nag-aaway kaya nakinig pa ako sa pag-uusap nila.
" You love me?" natatawa pa kunwaring tanong nung lalake. Parang pamilyar saken ang boses na yun.
" But you let that sperm head fuck you? Seriously?" mukhang unti-unti ko nang naiintindihan ang dahilan ng away nila. Base sa narinig ko mukhang nagloko yung babae at gusto niyang magbalikan ulit sila nung boyfriend niya. Kawawa naman yung guy.
"Van, please give me another chance.", nagmamakaawa na ang boses nung babae.
Van? Baka naman kapangalan niya lang, isip-isip ko nang maalala yung pangalan nung lalaking nabangga ko.
"Van... Please mag-usap tayo! VAN!!!", mukhang iniwan na nung lalake yung babae. Naawa man ako sa babae pero hindi tama ang ginawa niya. At sino naman kaya yung sperm-head na tinutukoy nung lalake? Ang panget ng nickname na ginamit niya.
12:35 na kaya naman tumayo na ako at nagpagpag ng palda. Isusukbit ko na sana yung bag ko nang may mahagip ang mata kong pamilyar na mukha na papalapit sa direksyon ko.
Parehas kaming napahinto nung lalaki. Saglit kaming nagkatitigan sa mata.
Sobrang liit nga naman ng mundo,isip-isip ko nang makita si Van na siyang binangga ko.
...
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
