QUINE's
PAGKATAPOS kong mag-dinner ay napag-desisyunan ko nang umakyat sa kwarto ko at gusto ko nang mai-sukat ang mga bagong damit na binili ko kasama kanina sa mall.
Sakto namang pagpasok ko sa kwarto ko ay siyang pag-vibrate ng phone na hawak-hawak ko.
Mula sa unknown number ang message na natanggap ko. Nang buksan ko iyon ay isang litrato na may kasama pang text ang agad na bumungad saken.
B-Bakit sila magkasama?
Malinaw na malinaw kong nakikita si Van na kasama si Avery, Naka-bathrobe pa ito. At ayon sa text na kasama nung litrato...
Nasa party ni Avery si Van...akala ko ba m-masakit ang ulo niya?
Ayokong pangunahan ng isip ko ang mga nangyayare. Kaya naman, agad kong pinaki-usapan si Ford na ipag-drive ako. Sa dami ng nasa isip ko ngayon...baka sa hospital pa ang diretso ko kung ako ang magda-drive para sa sarili ko.
Itinuro kami sa isang exclusive village ng address na kasama dun sa litrato na kanina ay natanggap ko. Sa sobrang bilis ng kabog ng puso ko, pati mga kamay ko ay nanginginig na din.
Nagsinungaling ba si Van saken? Bakit?
Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan o kung bakit ako kinakabahan. Ang tanging sigurado lang ako...hindi na dapat ako nag-punta pa dito.
"Ms. Quine? Andito na po tayo." Dinig ko pang sabi ni Ford saken.
Mula palang sa labas ay dinig na dinig ko na ang malakas na sound system sa loob. Marami ding kotse ang kotse ang nakaparada sa labas nun. May mga nakita pa akong mga taong lumalabas mula sa bahay ng mga Asuri...yung iba ay susuray-suray pa dahil sa kalasingan.
"P-Paki-antay na lang ako." Sabi ko kay Ford bago ako kabadong lumabas ng kotse.
May kung anong nagtutulak saken na pumasok na sa loob at meron namang nagsasabi saken na umuwi na lang at tanungin ko na lang si Van bukas...kapag nagkita kami.
Pero hindi ganon ang nangyare. Parang nagkaroon ng isa pang utak ang katawan ko.
Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong agad ako ng mga hindi kilalang mukha. Lahat may hawak na cup sa kani-kanilang mga kamay, nag-uusap, nag-tatawanan. Pumasok pa ako sa loob ng bahay, para hanapin ang nag-iisang mukha na kailangan kong makita.
He deserve to be heard... And I need an explanation.
Halos nalibot ko na ang buong bahay pero wala...wala parin akong nakikita na mukha ni Van. Hindi ko pinansin ang mga taong lumilingon saken na para bang...wala ako dapat dito.
Hindi...hindi ko pa nalilibot lahat. Sabi ko pa sa sarili ko.
Muli akong umakyat sa second floor ng bahay. May dalawang corridor sa harap ko, padiretso yung isa habang yung isa naman ay patungo sa kaliwa ko. Puro pintuan ang naandun.
Sa mga oras na 'to, ayokong paganahin ang utak ko dahil may chance na tama ang iisipin nun at may chance din na mali.
Kaya naman... Inipon ko na lahat ng lakas ng loob ko. Saka ako naglakad at binuksan ang bawat pintuan na madadaanan ko. Yung iba walang laman...yung iba naman ay naglalaman ng himala.
"Sorry," paumanhin ko sa dalawang taong naistorbo ko.
Napapagod na ako at nahihilo na din sa halo-halong amoy sa paligid ko. Isama mo pa ang dami ng tao... Nasu- suffocate ako.
YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Teen FictionVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...
