CHAPTER 19 (I)

534 36 9
                                    


QUINE's

ANG tagal na din mula nang makapunta ako sa lugar kung saan tanaw ang buong siyudad sa malayo.

As usual, breath taking parin. Bigla ko tuloy namiss mag-travel at pumunta sa lugar na walang masyadong tao. Mag-unwind kumbaga.

Nang maubos ko ang laman ng can na hawak ko ay humingi ulit ako ng isa kay Van. Hindi pa naman ako tinatamaan. Mataas talaga ang tollerance ko sa ganito kaya ayos lang. Staka, it's not my first time drinking, second time actually.

Tumingala ako sa madilim na langit. Kakaunti lang ang mga stars na nakikita ko, pero yung buwan...buong-buo iyon. Maya-maya lang ay may biglang tanong na sumulpot sa utak ko.

"Van?" tawag ko kay Van.
Nakapatong parin ang ulo niya sa may balikat ko habang ang mga kamay naman ay iniikot-ikot ang can na hawak niya.

" Hmm? Bakit?" napatingala naman ulit ako sa langit.

"Uhm...may naisip lang ako..." hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

" Uhm... G-gusto mo ba akong...m-maging kaibigan?"

Hanggang ngayon kase hindi ko parin sigurado kung magkaibigan na nga ba kami. Gusto ko lang ng assurance.

At itong pagbilis ng tibok ng puso ko? Siguro hahayaan ko na lang ito at matututo na lang makuntento kung hanggang saan lang kami ni Van. Tutal ayos rin lang naman na saken ngayon na maging kaibigan siya. Malinaw kase saken na kapag kasama ko siya...kalmado at kumportable ako. Maliban na nga lang kapag nagkakadikit kami at naamoy ko ang amoy niya o kapag tinititigan niya ako at ...kapag ngumingiti siya. Out of nowhere kase...biglang bibilis ang tibok ng puso ko.

Pero kung hanggang magkaibigan lang talaga kami, tatanggapin ko iyon. Hindi ako magagalit kung hindi niya kayang ibalik ang nararamdaman ko para sa kaniya, hindi niya naman kase kasalanang bigla na lang tumibok 'tong puso ko.

"Bakit mo naman natanong?" Tanong nito sabay angat ng ulo.

"W-wala naman... Naisip ko lang. Ano? G-gusto mo ba akong maging kaibigan?" Nakangiti pero o pang tanong sa kaniya.

"Hmm, pag-iisipan ko pa,"

" Wow ah! Talagang mag-iisip ka pa?" Natatawa kong sabi ko sa kaniya sabay palo sa braso niya.

Matagal bago siya ulit nag-salita, kaya naman muli akong uminom.

"Hmm, pano kung...higit pa dun ang gusto ko?"
Bigla akong nasamid dahil sa gulat nang marinig ang sinabing yun ni Van.

Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Ano 'to? Bakit kung kailan sinabi kong okay lang na hindi siya magka-gusto saken saka naman siya nagsasabi ng mga ganitong bagay? Pinaglololoko ba talaga ako ng tadhana?

" Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito, umuubo-ubo parin ako ng konti dahilan para dahan-dahang tapikin ni Van ang bandang likod ko.

"A-Anong ayos?... Ang ayos-ayos ng tanong ko tapos... Wag mo akong pinaglololoko diyan."

Kase kung pinagtitripan niya lang ako, tumigil na siya at baka...baka maniwala pa ako.

Tinigil nito ang pagtapik sa likod ko at umayos pa ng upo saka tumingala sa langit.

"Maayos din naman yung sagot ko ah." Usal pa nito.

" T-tigilan mo na nga ang p-pagbibiro diyan."

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now