CHAPTER 22 (I)

486 22 7
                                    

QUINE's

A FEW hours later.

Nagising ako sa hindi pamilyar na tunog. Mukhang ringtone yon, pero alam kong hindi yun galing saken. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paggalaw ni Van.
Nang buksan ko ang mga mata ko ay nay kinukuha ito sa bulsa ng pants niya. Yung phone niya.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko at inaanok parin kase ako. Pero hindi iyon nagtagal, muli din akong napadilat nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Van sa ilong ko.

"Good Morning." nakangisi nitong bungad saken. Kinusot-kusot ko ang mata ko at nag-stretch ng konti.

" Anong oras na ba?" parang ilang oras palang kaming natutulog ah?

"It's past 4 now."
4? Hindi makapaniwalang tanong ko sa isip ko.

" Maaga pa pala eh. Tulog muna ako." sabi ko dito saka agad na ipinikit ang mga mata.

"Gumising ka na. May kailangan tayong abutan ngayon."

"At ano naman?" Inaantok ko pang tanong dito.

" Basta. Tayo na diyan." Ayan na naman siya sa basta niya.

Nang hindi ako gumalaw ay naramdaman kong tumayo ito, at maya-maya pa ay hinihila na niya ang kamay ko at itinatayo na din ako.

"Alam mo ba kung sino ang mga gusto kong patayin?"

Nakapikit ko paring tanong dito. Naka-upo na ako pero gusto ko na ulit humiga.

" Sino?" curious nitong tanong saken. Pagkadilat ko ng mata ay sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Ang mga morning person na gaya mo." bahagya pa itong natawa.

" Baliw ka. Tara na." lumabas ito ng tent, ilang segundo pa ay sumunod na din ako sa kaniya. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin sa labas.

Inaayos ni Van yung blanket na naiwan namin sa labas kagabi...o kanina? May nakita din akong tela na hawak-hawak nito.

Nang maayos na niya yung blanket ay umupo ito at agad na pinagpag yung pwesto sa harap niya.

"Upo na." hayss, kung hindi lang siya todo ngiti ngayon baka nasuntok ko na siya dahil sa paggising niya saken.

Nang maupo na ako sa harap niya ay agad niya kaming binalot na dalawa dun sa tela na kanina ay hawak-hawak niya. Isinandal ko ang sarili ko sa kaniya, agad naman niyang isinandal din ang pisngi niya sa pisngi ko.

" Anong aabangan natin dito?" tanong ko sa kaniya. Dark-blue na ang kulay ng langit, ibig-sabihin lang ay malapit nang mag-umaga.

"The Dawn." Dawn? Bigla kong narealize ang ginagawa niya. Balak niyang panoorin namin ang pagsikat ng araw, magandang spot nga ang napili niya.

" Sabi nila swerte daw kapag pinanood mo yun dito kasama ang taong gusto mo," agad din akong lumingon sa kaniya.

"Naniniwala ka sa swerte?" Natatawa ko pang tanong dito, bago ako sagutin ay mabilis nitong idinampi ang labi saken.

Umaga palang pero ang sweet na niya...hayss, ano na naman kaya ang nakain niya?

"Oo naman. Ikaw ba?" umiling ako saka muli nang humarap sa may harapan namin.

" Luck don't come by accident, you worked it out." sabi ko pa sa kaniya.

"Tama ka din diyan. Pero may mga taong kahit anong gawing pagsisikap, malas parin." Agad akong napaisip sa sinabi niyang yun.

May point siya. Sabi ko sa isip ko.

" Sa tingin mo, bakit kaya may mga taong kahit anong gawin malas parin?"

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now