(II)

605 37 4
                                        

VAN's

"QUINE!" tawag ko ulit sa pangalan niya matapos niya akong  itulak ng sobrang lakas saka mabilis na tumakbo palayo saken.

Talagang naguguluhan ako sa inaakto niya ngayon.

Two days ago ay may kumatok sa bahay ko na naka-black suit and pants. Ini-abot nito ang pamilyar na keychain saken saka sinabing nasa parking lot na ang kotse ko.
Agad din itong umalis pagkatapos.

At pagkababa ko nga sa parking lot, andun na ang kotse ko. Bagong-bago at parang hindi man lang nagasgasan kahit konti.

I tried calling Quine that day. Pero hindi niya sinasagot kaya naman nag-text na lang ako ng pasasalamat. She didn't replied though.

At ngayon. Hindi ko alam kung bakit ang weird niya. Una, hindi siya umupo sa tabi ko at sa halip ay tumabi siya dun sa kaklase namin na never ko pang narinig mag-salita.

Ikalawa, hindi niya sinagot ang tawag ko, kitang-kita ko pang pinatay niya ang phone niya saka ito inilagay sa kaniyang bag.
Ikatlo, hindi niya man lang ako tinignan nang sumabay ako kumain sa kanila. Sinubukan kong kunin ang atensyon niya pero wala ding nangyare. Pang-apat, hindi niya ako tinitignan at kahit na anong tanong ko parang wala lang siyang naririnig.

Tapos nung tinignan niya na ako... Nakatulala lang siya.

Ano bang problema niya?

Nang makabalik na ako sa room ay ganon parin ang set-up namin. Siya naka-upo malayo saken. Napaisip ako kung may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan. Pero wala akong maalalang ganon.

Kung ganon, bakit siya umiiwas saken?

Sumunod na araw. Ganon parin. Tinadtad ko na siya ng messages and calls ko pero ni isa sa mga yun hindi niya sinagot.

Hindi ako sanay na hindi siya katabi sa upuan. Na hindi naamoy ang pabangong gamit niya at ang amoy ng shampoo sa buhok niya. Namimiss ko na ding makitang nagsusungit siya at makita ang naasar niyang mukha.

There is something that keeps on pulling me closer to her. She's like a black hole.

After class. Mabilis kong iniayos ang gamit ko. Parang kidlat kung lumabas sa room si Quine, yung tipong kakalabas palang ng prof namin, nakabuntot na agad siya.

At yun nga ang nangyari. Pagkasara ko ng zipper sa bag ko ay wala na agad siya sa upuan niya. Maski sina Alec nagtatanong na din saken kung may problema ba kami ni Quine or kung may pinagtalunan ba kami. I just fake a smile to them.

Patakbo akong bumaba ng hagdan. Nang makarating na ako sa parking lot ay mabilis kong sinuyod ang paligid ko. Pero hindi ko na agad siya makita. Agad na bumagsak ang mga balikat ko.

Ang bilis naman niya?

Didiretso na sana ako sa kotse ko nang mamataan ko ang isang pamilyar na kotse. Napangiti ako nang makita yung trident at ang plaka nung mismong kotse.

Hindi pa siya nakakaalis, sabi ko sa sarili ko.

Sumandal ako sa may hood ng kotse niya habang hihintay siya. Hindi ko siya nakita sa may hagdanan kaya baka dumaan muna siya sa cr o kaya ay...tinaguan niya ako.

May kung anong kumirot sa loob ko nang maisip na baka nga tinaguan niya ako. Kung may nagawa man akong mali sa kaniya, diba dapat sabihin niya saken? Para makapag-sorry ako?

Hindi ako sanay na iniiwasan ako ng isang tao, lalo pa kung wala akong maalalang may ginawa akong mali. Hindi ako mapakali, ilang araw na akong ganito.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now