CHAPTER 35

524 27 3
                                        

QUINE's

GUMISING ako kaninang umaga na bad mood. Pero ngayong nakita ko na siya...okay na ako.

"I miss you." Sinsero kong sabi dito saka akma sanang hahalikan siya sa labi pero...bigla na lang nitong iniwas ang mukha niya. Ano yun?

"Teka, may gift ako sayo." Sabi naman nito saken sabay pakita nung kanina niya pang tinatago sa likod niya.

Heart shaped macaroons iyon na naka- bouquet style pa. Pagkakita ko nun ay kaagad na nawala ang nasa isip ko ang nangyare kani-kanina lang.

"Teka, may kasama pa yan." He said holding up his hand. Sabay labas ng kulay white na rectangular box sa bulsa nito.

"Allergic ka sa flower kaya ito na lang." Sabi pa nito habang binubuksan yung box na naglalaman ng tulip pendant na necklace.

Napatakip pa talaga ako sa bibig ko nang makita yun. Kulay yellow yung tulip... Ang ganda.

Pumunta si Van sa likod ko saka iyon ikinabit sa may leeg ko. Pagkatapos ay naramdaman ko ang paghalik niya sa likod ng ulo ko sabay...yakap saken mula sa likod.

"Na miss din kita." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Kaya naman humarap ako sa kaniya saka siya niyakap ulit.

Dahil sa presensya at amoy ng pabango niya...para kaming hindi naghiwalay ng tatlong linggo.

Hindi pumasok si Van ngayon, nagpunta lang talaga siya sa bahay para ibigay ang mga regalo niya at ihatid na din  ako sa school.

"Susunduin mo naman ako diba?" Tanong ko sa kaniya bago ako bumaba. Kahit alam ko namang susunduin niya ako lalo pa't wala akong dalang kotse.

"Syempre. Aral mabuti!" Nagba-bye muna ako sa kaniya saka agad na bumaba.

Buong araw na nakapinta sa mukha ko ang napaka-lapad kong ngiti. Napansin din yun nina Alec kaya sinabi ko sa kanila na bumalik na si Van.

"Kaya naman pala." Ang tanging nasabi lang ni Alec saken.

After ng lunch ay dumiretso muna ako sa locker ko para kunin yung ilang gamit na iniwan ko kanina dun.
At kapag minamalas ka nga naman. Akala ko magiging maganda na ang buong araw ko. Hindi pala.

" Oh! What a nice day to see you. What's you're name again?"

"Someone you don't want to remember? I guess?" walang gana kong sagot sa kaniya. Tawang-tawa naman siya sa sinabi ko, as if may nakakatawa dun.

" Tama ka! Pano mo nahulaan yun? Hmmm, I guess hindi nga talaga basta-basta ang pinalit ni Van saken... Anyways, mas maganda parin naman ako." wow,
Hindi ko alam kung anong mas makapal, yung make-up ba niya o yung mismong mukha niya.

"I could agree with you, but then we'd both be wrong. " I said sarcastically. She opened her mouth to say something but closed it again, then smirked at me.

" Ibang klase din talaga yang bibig mo ano?" gigil niya pang sabi saken. Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak para mas lalo pa siyang inisin.

"Don't tell me crush mo na ako niyan?" natatawa pa kunyaring tanong ko dito.

" At bakit naman? Sino ako para bumaba sa lebel mo?" Napahawak ako sa may gitna ng dibdib ko, animo'y nasaktan sa sinabi niya.

"Why so harsh on yourself? Wag mong abutin ang paa ko. Pwede ka namang tumingkayad... But that would not be enough..." I took a step closer to her.

"You need a thousand storey building to reach me. " sa itsura niya palang, parang sumusingaw na ang usok sa mga tenga nito.

" Nakakabwiset ka na!" sinubukan niya akong sampalin pero agad ko ding nadakma ang kamay niya.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now