(II)

521 32 5
                                    

QUINE's

SUNDAY.
My rest day. Maaga akong nagising ng alarm ko. Gustuhin ko mang matulog pa ay hindi na ako dinalaw pa ulit ng tulog. Kaya naman, bumangon na lang ako.

Matagal akong nag-shower. Sinulit ko ang bawat oras na pumapatak sa katawan ko ang maligamgam na tubig. Nitong mga nakaraang araw kase, palagi na akong mabilisan kung maligo.

Matapos kong mag-shower ay saka ako gumawa ng breakfast ko. Sinisipag akong gandahan ang breakfast ko ngayon. I cooked some oats, put some rasp and blueberry on top of it, and some peanut butter. Gumawa din ako ng avocado toast. Matapos nun ay nag-timpla ako ng juice at tahimik na kumain sa may balcony. Habang kumakain ay nakatanaw ako sa dagat na siyang nasa harap ng apartment ko. Sobrang ganda ng araw, kalmado din ang dagat...

Mukhang magandang araw ito para mag-sipag.

Matapos kong mag-hugas ng pinag-kainan ay nag-ayos ako ng apartment ko.

Sinimulan ko sa pag-papalit ng pillow case, bedsheets at blanket sa higaan ko. Nagpunas-punas ako ng mga furnitures, nilinis ko ang sofa, ang carpet at pati ang coffee table.

Pagkatapos ko sa sala ay saka ko naman inayos ang kusina. Inuna kong ayusin ang laman ng ref ko, konti na lang ang mga andun kaya naman gumawa ako ng listahan ng mga dapat bilhin. Iuutos ko iyon sa iba syempre, wala ako sa mood para lumabas tuwing sunday.

Matapos ko sa ref ay inayos ko ang laman ng mga cabinet, sinunod ko ang winerack, at cupboards.

Matapos ko sa kusina ay sinunod ko ang study table ko, mabilis lang ako doon dahil hindi ko naman masyadong nagagamit iyon, nagpunas-punas lang ako ng konti.

At syempre, hinuli ko ang closet ko. Inuna kong ayusin ang mga sweatshirts, coats and jackets ko. Pinagsama-sama ko ang mga magkakakulay gaya ng dati. Sinunod ko ang cabinet ko for pants, tapos shirts, polos, dress, shoes, bags, at... Perfumes ko.

Napako ang atensyon ko sa paborito kong amoy sa taong ito, ang perfume ni Van.

Nag-spray ako ng konti sa harap ko. Siyang-siya ang amoy ng perfume...Na para bang ginawa iyon para sa kaniya.

Bigla ko namang naalala yung sinabi niya kagabi, dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko, napahawak ako sa may dibdib ko ng wala sa oras.. Hindi na ito biro.

Pano kaya? Pano kaya kung maging kami nga?... Maging higit pa sa kaibigan ang turing namin sa isat-isa?... Would it be a good choice?

I found a new friend now...would I risk it and jump on another stage?
And of course...would it be wort it? What if masaktan ako? Kakayanin ko bang masaktan at iwan ulit? Masasanay ako sa kaniya syempre... Ngayon pa nga lang eh.

Eh pano kung hindi? Pano kung...kung siya na pala? My first and last?...Would the risk be worth it?

I sigh heavily, I can't believe how complicated things could be when it comes to loving someone you're not related to. Ngayon palang kase...natatakot na naman akong baka ako na naman ang maiwan sa huli.

Matapos kong mag-ayos-ayos ay nag-pahinga lang ako saglit sa may sala. Saka ako nag-decide na i-spent ang natitirang mga oras sa panonood ng movie.

Gusto ko yung something romantic, yung tipong mararamdaman ko kung gaano kamahal nung dalawang main character ang isat-isa. Isa lang ang nasa utak ko...

Nabasa at napanood ko na iyon ng ilang beses pero paulit-ulit ko paring pinapanood. Yun nga lang...mas maganda at mas ramdam mo parin kapag binasa mo talaga... Syempre, ang 'The Notebook'.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now