CHAPTER 16

582 35 1
                                        


VAN's

Tumigil kami sa tapat ng isang napakataas na building. Gawa iyon sa itim na salamin. Sa itaas ng entrance nito ay ang pangalang ng mismong building, 'Apollo Tower'.

"Bakit tayo andito?" tanong ko kay Quine, kaagad na may pumasok na valet sa kotse niya paglabas namin.

" There are a lot of boutiques inside, exclusive for vip's. famous people, and there special clients."

"K-Kung ganon, bakit tayo andito?" Takang tanong ko parin.

Imbes na sagutin ako ,"Pasok na tayo." ang sinabi nito saka naunang maglakad.

"Goodmorning Ma'am, sir." bati samin ng lalake sa may entrance. Tipid ko na lang itong nginitian.

Pagpasok sa loob ay bumungad saken ang napakalawak na lobby, may mga upuang nakakalat dito. Habang sa kisame naman ay naglalakihang chandeliers ang nakasabit, dahilan para magmukhang gold ang kulay ng buong lugar.

Sinundan ko si Quine hanggang sa magtungo ito sa reception desk. Agad na tumayo ang mga staff na naandun at yumuko sa amin.

Ang gagalang nila.

"Kukuha po ba kayo ng room ma'am?" Agad na umiling si Quine sa babae sa may information desk.

" Hindi, sa 7th floor kami. Ilang shoppers ang naandun?" may kung anong tinype sa computer yung babae.

"Uhmm, nasa 30 po sila ngayon." kita ko ang pagtango-tango ni Quine. Maya-maya lang ay may ini-abot nang kulay gintong susi sa kaniya yung isa pang babae. Iba ang itsura ng susing iyon, kumpara sa mga normal na susi. Pabilog kase ang dulo nun.

"I-limit niyo sa 40 hanggat hindi pa ako lumalabas. " nagulat ako sa sinabi nito dun sa babae.

Bakit kung makapag-utos siya parang siya ang may— teka... Napatulala ako sa bigla kong naisip.

" Bakit?" nagtataka nitong tanong saken nang malingunan ako.

"W-wala naman."

"Tara na." aniya.
Sinundan ko ulit siya hanggang sa makapasok kami sa elevator.

Transparent iyon kaya kitang-kita ko ang mga gusali at kotse sa labas.
Bumukas ang salamin na pinto ng elevator nang makarating kami sa 7th floor. Bumungad samen ang isa pang pinto na may kung ano-anong naka-ukit. Kulay ginto iyon. At imbes na sa gilid ay nasa gitna nito yung keyhole na hugis bilog, katulad nung dulo ng susi. Matapos ipasok at i-ikot ni Quine yung susi ay kusang bumukas yung pinto.

Nang ilibot ko ang  mata ko ay puro mamahaling brand ng damit ang nakikita ko, at hindi lang isang floor, apat na palapag ng mga boutiques  ang nakikita ko.

Umakyat kami sa floor sa itaas ng lobby, may mga nakikita akong ibang tao na tumitingin din ng damit. Patuloy ko lang na sinundan si Quine hanggang sa makapasok kami sa store na mas malaki sa iba. Puro damit pangbabae ang una kong nakita. Nagpatuloy kami sa pagpasok sa loob, hanggang marating namjn ang men's section. Puro manikin na ang mga andun, suot-suot yung mga display na suit.

Tumingin-tingin na din ako ng kulay ng suit na babagay saken. Nakakita ako ng gray tuxedo na may floral black designs. Lumipat ako kay Quine na  nakatingin sa isang manikin na nakasuot ng navy blue na suit.

"Excuse me?" maya-maya pa ay tawag niya dun sa lalake na nakatayo sa may gilid. Agad itong lumapit samen na talaga namang may napakalapad na ngiti.

" We'd like to try this two, his size" turo ni Quine dun sa navy blue and red na suit and pants at saken. Nagpaalam saglit yung lalake, pagbalik niya ay dala-dala na niya yung dalawang suit, naka-hanger. Binigay iyon saken ni Quine.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now