QUINE's
"BAKIT kaya hindi pumasok si Van ngayon?" tanong ni Kary sabay lingon saken. Nasa locker kami sa gym para magpalit ng malinis na damit bago kami umuwi. Kakatapos lang kase ng swimming lessons namin.
" Bakit nakatingin ka saken?" kunyari ay natatawa kong tanong sa kaniya. Pumasok ako sa dressing room para magpalit.
"Kase diba nitong mga nakaraang araw palagi kayong sabay pumasok, wala namang namamagitan sa inyo diba?" tanong nito. Nasa kabila siyang cubicle at malamang ay nagpapalit din.
" Wala no! Masyadong mahaba yung kwento kung bakit kami palaging sabay pumasok." hindi naman mahaba, tinatamad lang talaga akong magkwento. Lumabas na agad ako sa cubicle matapos magpalit, inantay ko munang matapos si Kary.
"Talaga lang ,ah! Naku, mag-iingat ka sa mga lalake ngayon lalo na sa mga poging gaya niya! Ibang level na sila. " sabi nito saken pagkalabas niya ng cubicle.
Panong ibang level ang sinasabi niya? Nag-update ba ang software sa utak nila?" 21st century boys don't want a serious relationship. Mas gusto nila yung mga babaeng 'oo' lang ng 'oo' sa mga gusto nila. Kaya nga ako mas gusto ko nang tumandang dalaga."natawa ako sa sinabi niyang yun.
"Sayang ang ganda mo kung tatanda kang dalaga. For sure may lalakeng nakatadhana sayo na hindi gaya ng iniisip mo " paninigurong sabi ko sa kaniya.
" Sana nga girl! Pero kung wala talaga? Mag-aampon na lang ako ng batang aalagaan ko at para may mag-alaga din saken kapag tumanda ako."
Babalik na sana kami sa locker nang bigla namang bumakas yung pintuan sa cubicle sa harap namin, si Ally pala, siya yung classmate namin na palaging nakayuko at halos nahaharangan na ng buhok yung mukha niya. Kakalabas niya lang ng cubicle at this time hindi nakaharang yung buhok sa mukha niya, nakaipit yung mga lose strand sa likod ng tenga niya kaya sinamantala ko ang pagkakataon para mabilis na pagmasdan ang mukha niya. Maganda siya at peklat ang kaliwang bahagi ng mukha niya, straight cut iyon mula itaas ng kilay pababa sa kaniyang mga mata hanggang sa tapat ng tip ng nose niya... Pero maganda parin siya.
Katulad ko, pale skin din siya, straight black hair at walang suot na make-up sa mukha. Nagtama ang mga tingin namin ng mag-angat siya ng tingin, umiwas agad ako ng tingin.
Pagkalabas namin sa dressing room ay hindi na namin siya nakita pa sa lockers area. Halos wala nang estudyante sa gym kaya naman binilisan na namin ni Kary ang pagliligpit sa gamit namin, nang natapos kami ay agad na din kaming lumabas.
Madilim sa sa labas, past 6 na din kase. Nagpaalam saken si Kary na mauuna na siya dahil kukunin niya pa daw yung mga naiwan niyang libro at gamit sa mismong locker niya.
Hindi ko masyadong nagagamit ang locker ko dahil sa kotse ko na minsan iniiwan yung mga gamit ko.
Nasa parking lot na ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bag kaya naman dali-dali ko yung kinuha.
Si Van?
"Hello?" sabi ko agad pagkasagot ko ng tawag.
" Quine?" sa tono palang ng boses nito mukhang nakainom siya.
"Bakit?"
"Shunduin mo naman ako... Pwede ba?" At ginawa niya na talaga akong special service niya ah?
" Pauwi na ako ngayon " pagsisinungaling ko.
" Please?" paki-usap pa nito saken. Bakit ba kase hindi na lang siya mag-taxi at iniistorbo pa niya ako? Kainis!
"Asan ka?" buntong-hininga kong tanong sa kaniya.
" I'll text the address... Sunduin mo ako, ha?" may kung anong mali sa tono ng pananalita niya. Parang sobrang lungkot nun...ano na naman kaya ang problema niya?

YOU ARE READING
Heartbeat Road (Completed)
Ficção AdolescenteVan Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit him that led him to Quine, a girl who's trying to heal herself by living a new life. Wherever this destined accident lead them both, one thi...